Isabelle Daza, tinanong ang mister kung gusto pa nito madagdagan ang mga anak nila

Isabelle Daza, tinanong ang mister kung gusto pa nito madagdagan ang mga anak nila

- Kinaaliwan ang binahaging video ni Isabelle Daza kung saan makikita ang kanyang asawa na si Adrien Semblat at tatlong anak nila

- Sa naturang video ay makikitang karga ni Adrien ang tatlong anak nila habang naglalakad

- Nakalagay din sa video na sinasabi ng kanyang asawa na bukas ito sa pagkakaroon ng maraming anak

- Sa isang bahaging video ay tinanong siya ni Isabelle kung gusto pa nito ng maraming anak at ready na daw siya

Kinaaliwan ng mga netizens ang isang video na ibinahagi ni Isabelle Daza sa social media, kung saan makikita ang kanyang asawa na si Adrien Semblat na karga ang tatlo nilang anak habang naglalakad. Ang nakakatuwang eksena ay nagpakita ng pagmamahal ni Adrien sa kanilang mga anak, ngunit tila nagkaroon din ng katatawanan nang tanungin siya ni Isabelle kung gusto pa ba niyang madagdagan ang kanilang pamilya.

Read also

Andrea Brillantes, inaming nag-alangan noon na maglabas ng perfume line

Isabelle Daza, tinanong ang mister kung gusto pa nito madagdagan ang mga anak nila
Isabelle Daza, tinanong ang mister kung gusto pa nito madagdagan ang mga anak nila
Source: Instagram

Sa naturang video, makikita ang tatlong anak ng mag-asawa na nakasampa sa mga braso at balikat ni Adrien habang sila ay naglalakad. Kasabay ng video, idinagdag ni Isabelle ang isang text overlay na nagsasabing bukas daw ang kanyang asawa sa pagkakaroon ng mas maraming anak. Sa isang bahagi ng video, maririnig na tinatanong ni Isabelle si Adrien kung handa na ba itong magkaroon ng mas marami pang anak.

Tila hindi nakasagot si Adrien sa tanong ng kanyang asawa, na halatang nahihirapan na sa bigat ng kanyang kinakargang mga anak. Ang reaksyong ito ni Adrien ang nagbigay ng aliw sa mga manonood.

Kasama ng video ang nakakatawang caption ni Isabelle na nagsasabing, "Now he knows what 1/10 of it feels like carrying these three humans for 9 months." Ang post na ito ay umani ng maraming komento at reaksyon mula sa mga netizens, na karamihan ay natuwa sa cute at nakakatuwang sitwasyon ng mag-asawa.

Read also

20-anyos sa Maynila, nakatakas sa umano'y kidnapper; naidetalye ang pangyayari

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Isabelle Diaz Daza-Semblat ay kilala bilang isang Pinay actress, TV host at model. Anak siya ng Miss Universe 1969 titleholder na si Gloria Diaz. Ang kanyang amang si Gabriel "Bong" Daza III ay isang restaurateur at dating Makati city councilor.

Kamakailan ay binahagi ni Isabelle na hindi niya naabutan ang kanyang flight. Sa kanyang Instagram story, binahagi ni Isabelle ang kanyang naging karanasan. Gayunpaman, ayon sa kanya, hindi ito ang unang pagkakataon na naiwan siya ng kanyang flight. Naiwan niya umano sa lobby ang kanyang bag na naglalaman ng mga passport nila.

Pinatunayan ni Isabelle na sa kabila ng kanyang narating sa buhay at tinatamasang kasikatan, hindi pa rin nawala ang kanyang pagiging down-to-earth. Sa isang post sa social media, binahagi niya ang video ng anak niyang si Baltie sakay ng pedicab papuntang paaralan. Hindi naman malinaw kung palagi nila itong ginagawa. Makikita sa video na masaya ang anak niya habang nakasakay sa pedicab.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate