Lovely at Benj Manalo, kumita ng P5M monthly sa live selling, pero dumaan sa matinding pagsubok

Lovely at Benj Manalo, kumita ng P5M monthly sa live selling, pero dumaan sa matinding pagsubok

- Kumita sina Lovely Abella at Benj Manalo ng P4 milyon hanggang P5 milyon kada buwan mula sa live selling noong kasagsagan ng pandemya

- Nawala ang kanilang Facebook page na may mahigit 1 milyong followers habang nasa Singapore sila para sa isang jewelry convention

- Nagkaroon ng matinding takot ang mag-asawa at napagtanto nilang anumang tagumpay ay maaaring mawala sa isang iglap

- Sa kabila ng pagsubok, unti-unting bumabalik ang kanilang negosyo at patuloy silang tumatanggap ng suporta mula sa netizens

Inamin ng celebrity couple na sina Lovely Abella at Benj Manalo na kumikita sila ng P4 milyon hanggang P5 milyon kada buwan mula sa kanilang live selling, lalo na noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic. Ayon kay Benj, nagdesisyon silang mag-asawa na pasukin ang online business, partikular na sa Facebook, upang makapagbigay ng dagdag kita sa kanilang pamilya.

Read also

Rufa Mae Quinto, mas piniling ma-out sa 'LOL:' "The game got really dirty"

Lovely at Benj Manalo, kumita ng P5M monthly sa live selling, pero dumaan sa matinding pagsubok
Lovely at Benj Manalo, kumita ng P5M monthly sa live selling, pero dumaan sa matinding pagsubok
Source: Instagram

Hindi umano nila inaasahan na papatok ang kanilang online selling. Kabilang sa kanilang mga ibinebenta ang mga branded bags, pabango, at alahas. Ibinahagi ni Benj na nagkaroon sila ng magandang reputasyon sa kanilang mga audience, kaya’t nakatulong ito sa pagbuo ng tiwala ng mga customers. Aniya, “Alam nilang hindi sila mai-scam. Kilala nila kami at familiar sila sa amin.”

Ikinuwento rin ni Benj na sa kabila ng tinatawag na "ghost month," kung saan inaasahang walang gaanong pera ang mga tao, kumita pa rin sila ng P4 milyon hanggang P5 milyon sa loob ng isang buwan. Dahil dito, nagkaroon sila ng kumpiyansa na hindi na nila kailangang magtrabaho ng iba.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Gayunpaman, dumating ang isang matinding pagsubok nang biglang mawala ang kanilang Facebook page na may mahigit 1 milyong followers habang nasa Singapore sila para sa isang jewelry convention. Inamin ni Benj na labis silang natakot at napagtanto na anumang tagumpay ay maaaring mawala nang mabilis.

Read also

Andrea Brillantes, inaming nag-alangan noon na maglabas ng perfume line

Sa kasalukuyan, unti-unti nang bumabalik ang kanilang negosyo, at ang kanilang Facebook page ay may halos 40,000 likes at 96,000 followers na. Patuloy pa rin silang tumatanggap ng suporta mula sa netizens para sa kanilang mga ibinebentang alahas, bags, at pabango.

Si Lovely Abella ay unang nakilala bilang isa sa mga nagpa-prank sa Bitoy's Funniest Videos. Ito ang nagbukas ng oportunidad sa kanya para maging isa sa Wowowee dancer. Si Benj Manalo ay anak ng komedyante at TV host na si Jose Manalo. Sa kanilang pag-iisang dibdib ni Benj, tanging ang ina ni Benj ang nakita. May mga naghanap kay Jose sa kasal ng anak ngunit wala silang inilabas na pahayag kaugnay dito.

Sa kanyang Facebook post ay inalala ni Lovely ang mga panahong wala pa silang mga napundar ng kanyang mister na si Benj Manalo. Aniya noong wala pa itong pera, kanin at sabaw lamang ang kanyang kinakain at si Lovely ang pinapakain niya ng manok.

Read also

Teaser ng umano'y bagong serye na kinabibilangan ni Daniel Padilla, agaw-pansin

Samantala binahagi niya din sa kanyang post ang mga pictures nila kasama ang mister na si Benj at mga kapatid nito na kuha sa kolumbaryo kung saan nila inihatid ang abo ng yumaong dating asawa ni Josie Manalo na si Anna Lyn Manalo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags: