Ogie Diaz, nausisa si Gerald Anderson ukol sa nababalitang kasal na umano sila ni Julia Barretto

Ogie Diaz, nausisa si Gerald Anderson ukol sa nababalitang kasal na umano sila ni Julia Barretto

- Natanong ni Ogie Diaz si Gerald Anderson tungkol sa nababalitang kasal na ito kay Julia Barretto

- Ayon sa nababalita, sa Amerika raw umano nagpakasal ang dalawa

- Gayunpaman, sinabi ni Ogie na sakaling totoo ito ay wala naman umanong isyu

- Matatandaang sa isang panayam kay Gerald, nabanggit nito ang tungkol sa usapang kasalan

Maging si Ogie Diaz ay natatanong umano kung totoo ang napapabalitang nagpakasal na umano sina Gerald Anderson at Julia Barretto.

Ogie Diaz, nausisa si Gerald Anderson ukol sa nababalitang kasal na umano sila ni Julia Barretto
Ogie Diaz, nausisa si Gerald Anderson ukol sa nababalitang kasal na umano sila ni Julia Barretto (@andersongeraldjr)
Source: Facebook

Ang umuugong na bali-balitang ito, sa Amerika nagpakasal ang dalawa.

Dahil dito, minabuti ni Ogie na usisain si Gerald kung may katotohanan nga ba ito.

"Minessage ko si Gerald. At ang sabi niya sa akin, ikaw ang unang makakaalam kapag ikinasal na kami," ani Ogie.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Read also

Mon Confiado, umalma sa content creator na nagpost tungkol sa kanya

"Salamat Ge sa iyong pagsagot. At least nalinawan 'yan na hindi totoo."

Depensa pa ni Ogie, wala namang masama sakaling totoo man ang napapabalitang ito.

"E kung totoo man, kung sakali man na totoo ito, 'di ba? E ano naman ngayon, e nasa legal na age sila?"

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa Ogie Diaz Shoebiz Update:

Gerald Anderson ay isang aktor sa Pilipinas na produkto ng reality show na Pinoy Big Brother ng ABS-CBN. Matatandaang una niyang nakapareha si Kim Chiu na mula rin sa nasabing programa. Bago ang kasakulukuyang relasyon niya kay Julia Barretto, matatandaang naging kontrobersyal ang naging pagtatapos ng relasyon niya kay Bea Alonzo.

Matatandaang sa naging interview ni Isko Moreno kay Gerald, nabanggit niyang kasama umano ang pagpapakasal kay Julia sa kanyang five-year plan. Ganoon na lamang din ang papuri nito kay Julia na aniya'y napakasaya at napakagaang kasama bilang karelasyon.

Read also

Peraphy contestant na si Angelito, naglabas ng sama ng loob sa mga aniya'y taong walang respeto

Samantala, sa panayam naman ni Karen Davila kay Gerald kamakailan, nabanggit niya ang tungkol sa usapang pagpapakasal. Aniya, 'malapit-lapit' na umano ito gayung 35- anyos na siya. Lahat umano ng kanyang pinagkakaabalahan ngayon ay bilang paghahanda na niya sa pagbuo ng sarili niyang pamilya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica