Juliana Parizcova, nag-react sa isyu ng mga Yulo: "Hinding-hindi ko paluluhain ng ganito"

Juliana Parizcova, nag-react sa isyu ng mga Yulo: "Hinding-hindi ko paluluhain ng ganito"

- Nagbigay ng reaksyon si Juliana Parizcova sa isyu ng pamilyang Yulo at ipinahayag ang kanyang pagkadismaya

- Sinabi niyang hinding-hindi niya paluluhain ang kanyang ina anuman ang mangyari

- Nanawagan siya na mag-usap nang maayos ang mag-ina at huwag isama ang iba

- Inihayag din niya na para sa kanya ay nakakadurog ng puso ang nangyayari sa mag-ina

Nagbigay ng kanyang saloobin si Juliana Parizcova Segovia tungkol sa kontrobersiyang kinakaharap ng pamilyang Yulo. Sa isang post, ipinahayag ni Juliana ang kanyang pagkadismaya sa sinapit ng isang ina dahil sa mga pahayag ng kanyang anak.

Juliana Parizcova, nag-react sa isyu ng mga Yulo: "Hinding-hindi ko paluluhain ng ganito"
Juliana Parizcova, nag-react sa isyu ng mga Yulo: "Hinding-hindi ko paluluhain ng ganito"
Source: Facebook

"Ako lang to ah! Ewan ko, pero ako, kahit anong maging kasalanan sakin ng Nanay ko, hinding-hindi ko itatakwil, hinding-hindi ko pagkakaitan ng tagumpay na nakamit ko, hinding-hindi ko ilulubog at ipapahiya sa publiko, AT HINDING-HINDI KO PALULUHAIN NG GANITO," sabi ni Juliana.

Ayon kay Juliana, nakakadurog ng puso na makita ang isang ina na nasasaktan at umiiyak dahil sa mga salitang binitiwan ng kanyang anak. Nanawagan siya na sana ay maayos na mag-usap ang mag-ina nang sila lang dalawa.

Read also

Atty. Raymond Fortun, naglabas ng pahayag kaugnay sa presscon ni Angelica Yulo

"Sana maging maayos silang mag-ina, sana makapag-usap sila na dalawa lang sila (hindi kasama si Goldie). At sana maghiwalay na sila ni Goldie… Tapos ako na lang jowain niya para maranasan niya ang Golden Tooth," dagdag pa ni Juliana.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Juliana Parizcova Segovia o TJ Ortega sa totoong buhay ay nakilala sa mundo ng showbiz nang tanghaling Miss Q & A grand winner sa noontime show ng ABS-CBN na "It's Showtime" noong 2018. Ang Miss Q & A ay isang patimpalak sa It's Showtime para sa mga miyembro ng LGBTQ community. Inamin naman ni Juliana sa isang panayam na naubos na ang kanyang 1 milyong piso na napanalunan sa nasabing patimpalak.

Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Juliana na nauunawaan niya ang mga nakatrabaho niyang umalma sa kanyang mga naging pahayag. Aniya, ibibigay niya ang respeto sa mga ito at hindi siya sa sasagot sa mga aniya'y personal na pang-aatake sa kanya. Gayunpaman, yung isang nagsabing sasampalin daw siya kapag nagkaroon ng face to face presscon ay hinamon niyang totohanin ang kanyang sinabi. Matatandaang umani ng mga negatibong komento ang komedyante matapos niyang maging bahagi ng ilang videos ng Vincentiments YouTube channel kamakailan.

Read also

Angelica Yulo, sumama ang loob: "Andu'n 'yung pain e"

Matatandaang naging usap-usapan ang video na ibinahagi ng VinCentiments ni Direk Darryl Yap kung saan tampok si Juliana. Base sa nasabing video, parody video ito ng kontrobersiyal na video ng Young Public Servants kung saan si Angelica Panganiban ang nagsasalita. Sa video ni Angelica, nagbigay siya ng paalala sa mga botante na 'Huwag magpapabudol, at huwag sa magnanakaw.' Samantala, sa video naman ni Juliana aniya, 'Ingat sa mga pa-victim.'

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate