Juliana Parizcova Segovia, binuweltahan ang kanyang mga haters

Juliana Parizcova Segovia, binuweltahan ang kanyang mga haters

- Matapos ang kanyang ginawang parody video ng inilabas na video ni Angelica Panganiban, may mga hindi natuwa kay Juliana Segovia

- Gayunpaman, matapang na sinasagot nito ang mga komento laban sa kanya ng ilang netizens lalo na kapag nasa kanyang social media posts

- Sa isang post ay sinabi ni Juliana na marami pa siyang maipang-aasar sa kanyang mga haters

- Si Juliana Parizcova Segovia o TJ Ortega sa totoong buhay ay nakilala sa mundo ng showbiz nang tanghaling Miss Q & A grand winner sa noontime show ng ABS-CBN na 'It's Showtime' noong 2018

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang panibagong pasabog ang ibinahagi ni Juliana Parizcova Segovia sa kanyang Instagram post. Sinabi ni Juliana na marami pa siyang maipang-aasar sa kanyang mga haters.

Juliana Parizcova Segovia, binuweltahan ang kanyang mga haters
uliana Parizcova Segovia (@juliana_parizcova)
Source: Instagram

Matatandaang matapos ang kanyang ginawang parody video ng inilabas na video ni Angelica Panganiban, may mga hindi natuwa kay Juliana. Sa isang post ay sinabi ni Juliana na marami pa siyang maipang-aasar sa kanyang mga haters.

Read also

Carla Abellana, nagbahagi ng picture kung saan burado na ang kanyang singsing

Dear Haters, I have so much more for you to be MAD at…JUST BE PATIENT.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kamakailan ay naging viral at umani ng reaksiyon ang video na ibinahagi ng VinCentiments ni Direk Darryl Yap kung saan tampok si Juliana.

Sa naunang video ni Angelica, nagbigay siya ng paalala sa mga botante sa darating na halalan na 'Huwag magpapabudol, at huwag sa magnanakaw.' Samantala, sa video naman ni Juliana ay 'Ingat sa mga pa-victim' ang kanyang paalala.

Si Juliana Parizcova Segovia o TJ Ortega sa totoong buhay ay nakilala sa mundo ng showbiz nang tanghaling Miss Q & A grand winner sa noontime show ng ABS-CBN na It's Showtime noong 2018.

Ang Miss Q & A ay isang patimpalak sa It's Showtime para sa mga miyembro ng LGBTQ community. Inamin naman ni Juliana sa isang panayam na naubos na ang kanyang 1 milyong piso na napanalunan sa nasabing patimpalak.

Read also

Julia Barretto, nag-post tungkol sa "love that doesn't include honesty"

Matapos makilala sa mundo ng showbiz, napasama si Juliana sa mga events ng mga celebrities kagaya na lamang ng ABS-CBN Ball kung saan naging usap-usapan din ang kanyang outfit.

Matatandaang naging kontrobersiyal ang pagrereklamo ng kapitbahay niya sa kanya sa programa ni Raffy Tulfo dahil sa umano'y ginawa niyang pandudura.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel