Angeli Khang, kinuwento ang experience na nag-away ang mag-asawa dahil sa kanya

Angeli Khang, kinuwento ang experience na nag-away ang mag-asawa dahil sa kanya

- Nakwento ni Angeli Khang ang karanasan niya na nag-away ang mag-asawa sa harap niya

- Aniya, bumibili siya sa isang store nang may magpa-picture sa kanya na lalaki

- Pagbalik daw ng aswang babae ay binatukan niya ang lalaki at nagalit sa lalaki

- Nag-walkout na lang daw si Angeli sa nangyaring ito

Ibinahagi ni Angeli Khang ang isang hindi inaasahang karanasan kung saan nag-away ang mag-asawa sa harap niya habang siya ay nasa isang store. Ayon sa kanyang kwento, habang siya ay bumibili ng mga produkto sa store, isang lalaki ang lumapit sa kanya at humiling na magpa-picture sa kanya.

Angeli Khang, kinuwento ang experience na nag-away ang mag-asawa dahil sa kanya
Angeli Khang, kinuwento ang experience na nag-away ang mag-asawa dahil sa kanya
Source: Instagram

Sa pagbalik ng kanyang asawa, nagalit ang babae sa lalaki at binatukan siya dahil sa paghingi ng picture kay Angeli. Ang insidenteng ito ay nagdulot ng tensyon sa lugar at nagresulta sa pagtatalo ng mag-asawa sa harap ni Angeli.

Read also

Vin Abrenica, ninakawan ng halik ng lalaking fan habang kumakanta

Dahil sa hindi komportableng sitwasyon, nagpasya si Angeli na mag-walkout at umalis mula sa tindahan. At baka siya pa daw ang maging dahilan ng lalong pag-aaway ng mag-asawa. Bukod dito ay wala naman daw naranasang hindi kaaya-aya si Angeli.

Ang karanasang ito ay kanyang ibinahagi sa pag-guest niya sa YouTube channel ni Toni Gonzaga, ang Toni Gonzaga Studio, kung saan mas detalyado niyang ikinuwento ang buong pangyayari.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Angeli Khang ay isang kilalang personalidad sa industriya ng entertainment sa Pilipinas. Isa siyang aktres na unang nakilala sa Vivamax at sumikat dahil sa kanyang mga pagganap sa telebisyon at pelikula.

Matatandaang inalmahan ni Angeli ang aniya'y pang i-issue sa kanya ni Xian Gaza. Sa gitna ng hiwalayang Dominic Roque at Bea Alonzo, binaggit ni Xian ang pangalan ng Vivamax star. Ani Angeli, ang saya-saya niya sa Japan at pagkagising niya daw ay narinig niyang ini-issuehan na naman siya ni Xian. Wala namang naging sagot si Xian dito sa pahayag ni Angeli sa aniya'y pandadawit sa kanya.

Read also

Ivana Alawi, nagsalita tungkol sa espikulasyon sa pag-exit niya sa Batang Quiapo

Tinalakay ni Angeli ang mga tsismis ng paghihiwalay na kinasasangkutan sina Bea Alonzo at Dominic Roque sa programang "Updated With Nelson Canlas". Itinanggi ng aktres ang anumang pagkakasangkot, tinawag ang mga haka-haka na "fake news". Binawi rin ni Angeli na hindi sila personal na magkakilala ni Dominic Roque.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate