Aiko, may nakakaantig pusong mensahe kina Andre at Marthena

Aiko, may nakakaantig pusong mensahe kina Andre at Marthena

- Nagbigay mensahe si Aiko Melendez sa mga anak na sina Andre at Marthena

- Ito ay nang makapanayam niya ang bunsong anak na ngayo'y 18 taong gulang na

- Nasabi rin ni Aiko ang tungkol sa respeto niya sa mga anak sa mga desisyon ng mga ito sa kani-kanilang buhay

- Doon makikita rin kung gaano ka-proud si Aiko na napalaki niyang mabubuting tao sina Andre at Marthena

Isang emosyonal na mensahe ang naibahagi ni Aiko Melendez para sa mga anak na sina Andre Yllana at Marthena Jickain.

Aiko, may nakakaantig pusong mensahe kina Andre at Marthena
Aiko, may nakakaantig pusong mensahe kina Andre at Marthena (@aikomelendez)
Source: Instagram

Sa panayam niya kay Marthena sa kanyang YouTube channel, doon ibinuhos ni Aiko ang kanyang nais na iparataing sa mga anak.

"Kung meron kayong biggest fan, ako 'yun. Kung meron din unang nasasaktan para sa inyo, sa mga hardships niyo, sa challenges niyo ako 'yun."
"And siguro kaya ako ganun ka-close sa inyong dalawa kasi alam niyo din naman yung mga pinagdaanan ni Mama sa buhay 'di ba na kayo lang din ang kinapitan ko"

Read also

Xian Gaza, ibinunyag ang dahilan kung bakit hindi sya makauwi ng Pilipinas

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"So parang hindi pa rin ako handa na magkakaroon kayo ng sariling buhay sa ibang bansa na hindi ako nandun 24 hours a day. Syempre 'pag andun kayo, hindi ko alam kung magkaroon kayo ng sakit, sinong mag-aalaga sa inyo? Although, yun ang famous line sa movie kong MMK, so talagang totoo 'yun e."

Aniya, maaring hindi ito basta maunawaan ng kanyang mga anak hanggang sa maging mga magulang na rin ang mga ito balang araw.

"I only want the best for you. And if only I can shield you ang your kuya Andre from all the hurts na nadaanan ko, I would have. Kasi ganun yata pag isa kang ina, iisipin mo muna yung mga anak mo bago 'yung sarili mo"

Narito ang kabuuan ng video:

Si Aiko Melendez ay isa sa mga kilalang Filipina actress sa bansa. Taong 2018 nang makamit niya ang best supporting actress para sa pelikulang “Rainbow’s Sunset.” Naging konsehal din siya ng ikalawang distrito ng Quezon City at nanilbihan sa loob ng siyam na taon hanggang 2010 at ngayon, pinalad siyang magwagi muli bilang konsehal at manilbihan sa nasabing lungsod. Biniyayaan siya ng dalawang mga anak na sina Andre at Marthena.

Read also

Aubrey Miles, nahingan ng pahayag ni Ogie D ukol sa umano'y scammer na gumamit sa pangalan niya

Bukod sa kanyang pagiging konsehal ng unang distrito sa Quezon City, abala siya sa kanyang YouTube channel na kanyang sinimulan noong nakaraan taon. Isa nga sa kanyang naging panauhin ay ang panganay na anak na si Andre. Doon lamang nagkaroon ng pagkakataon na mapag-usapan nilang mag-ina ang tungkol sa ama ni Andre na si Jomari Yllana.

Sa kanyang YouTube channel din makailang beses napanood ang kilalang psychic na si Jovi Vargas na nakapagbigay ng kanyang mga nakikita sa showbiz. Isa na rito ang tungkol sa tambalang LizQuen na tila nangyayari na nga sa ngayon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica