Toni Fowler, naiyak dahil dismayado sa ginanap na gender reveal

Toni Fowler, naiyak dahil dismayado sa ginanap na gender reveal

- Naiyak si Toni Fowler matapos madismaya sa ginanap na gender reveal para sa pinagbubuntis niyang anak nila ni Vince Flores

- Hindi nakapagtimpi si Toni at naiyak sa kanyang partner habang inisa-isa ang kanyang mga concerns

- Kabilang sa ikinadismaya niya ang racing na hindi makita sa pwesto nila dahil nasa likod ng kanilang design ang finish line

- Ang racing ang naging paraan nila upang maannounce ang gender

Naiyak si Toni Fowler matapos siyang madismaya sa ginanap na gender reveal para sa pinagbubuntis niyang anak nila ni Vince Flores. Sa isang emosyonal na eksena, hindi nakapagtimpi si Toni at naiyak sa kanyang partner habang inisa-isa ang kanyang mga concerns.

Toni Fowler, naiyak dahil dismayado sa ginanap na gender reveal
Toni Fowler, naiyak dahil dismayado sa ginanap na gender reveal
Source: Youtube

Isa sa mga ikinadismaya ni Toni ay ang racing na ginawang paraan upang i-anunsyo ang gender ng kanilang anak. Ayon sa kanya, hindi nila makita ang finish line mula sa kanilang pwesto dahil nasa likod ito ng kanilang design, dahilan upang hindi nila masaksihan ang mahalagang sandali.

Read also

Ruru Madrid, natawa matapos sabihin ng isang lolo kung sino ang hinahangaan niya

Bukod pa rito, nadismaya rin siya sa emcee na muntik nang i-anunsyo ang gender bago pa man ito nakatakdang i-reveal. Nagdulot ito ng karagdagang tensyon at pagkabahala kay Toni.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Maging sa kanyang partner na si Vince, nadismaya rin si Toni dahil sa kanilang napag-usapan na magyayakap sila pag na-anunsyo na ang gender ng kanilang anak. Ang hindi pagtupad dito ay nagdulot ng kalungkutan at pagkadismaya kay Toni.

Sa kabila ng lahat, umaasa si Toni na magsisilbi itong aral para sa kanilang mga susunod pang events na gaganapin.

Si Toni Fowler ay nakilala sa social media at bilang isang YouTuber matapos niyang masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay ng aktres at social media star na si Jelai Andres at sa asawa nitong Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya sa kanilang YouTube vlogs.

Read also

Kaila Estrada, binahagi ang picture ng amang si John Estrada na na-ospital

Matatandaang idinaan ni Toni Fowler sa isang TikTok video ang biro tungkol sa pakikipag-break niya kamakailan kay Vince Flores. Sa kanyang binahaging TikTok video makikita si Toni na sumasayaw na kinalaunan ay sinabayan ni Vince. Matatandaang matapos ihayag ni Toni kamakailan ang paghihiwalay nila, marami sa kanilang fans ang nalungkot. Gayunpaman, hindi nagtagal at sinabi ni Vince na nagkaayos lang sila at dala lang ng pagbubuntis ni Toni ang mataas na emosyon nito.

Binahagi din ni Toni ang throwback pictures niya kasama sina Nash Aguas at Mika Dela Cruz. Ito ay upang batiin sila sa kanilang pagpapakasal nito lamang nagdaang Saturday, 18 May sa Tagaytay. Ani Toni, ang pictures nilang iyon ay noong panahong tuwang-tuwa sila sa kanya dahil si Toni ang nagtuturo ng dance steps nila sa guesting nila sa It's Showtime. Aminado din si Toni na dahil dito ay pakiramdam niya ay ang tanda niya na.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate