Michael V, ibinida ang picture niya kasama sina Vice Ganda, Bea Alonzo at Annette Gozon

Michael V, ibinida ang picture niya kasama sina Vice Ganda, Bea Alonzo at Annette Gozon

- Umani ng mga komento at marami ang natawa sa post ni Michael V na kuha sa ginanap na GMA Gala

- Makikita sa naturang picture na kuha ng Nice Print Photography sina Vice Ganda, Bea Alonzo at Annette Gozon

- Nahagip siya sa naturang picture kaya marami ang natawa at naghanap daw kung saan banda sa picture si Micahel V

- Nagpasalamat siya sa GMA Gala at sa Nice Print dahil aniya ay natupad din ang kanyang pangarap

Nag-post si Michael V ng larawan kasama sina Vice Ganda, Bea Alonzo, at Annette Gozon na kuha sa GMA Gala, na nagdulot ng maraming komento at tawanan sa social media. Ayon sa mga ulat, ang larawan ay kuha ng Nice Print Photography at sa naturang picture, nahagip si Michael V kaya marami ang naghanap ng kanyang posisyon sa larawan.

Michael V, ibinida ang picture niya kasama sina Vice Ganda, Bea Alonzo at Annette Gozon
Michael V, ibinida ang picture niya kasama sina Vice Ganda, Bea Alonzo at Annette Gozon
Source: Instagram

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Michael V na labis siyang nagpapasalamat sa GMA Gala at sa Nice Print dahil natupad ang kanyang pangarap na makasama sina Bea Alonzo, Vice Ganda, at Annette Gozon sa isang photo.

Read also

Unang girlfriend ni Rico Yan na si Patricia Sandejas, ikinasal na

Idinagdag niyang, “Matagal ko nang sinabi sa sarili ko na gusto kong makasama sina Bea Alonzo, Vice Ganda at si Annette Gozon Valdes in one photo. Thanks to #GMAGala2024, nangyari na rin finally! Thank you din sa Nice Print Photography & Exige Weddings. Ipapa-frame ko ‘to. #DreamsDoComeTrue.”

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Beethoven Del Valle Bunagan o mas kilala sa kanyang screen name na Michael V. o Bitoy ay isang actor, comedian, at recording artist. Kabilang sa kanyang mga palabas sa GMA-7 ay Bubble Gang at Pepito Manaloto.

Matatandaang naging usap-usapang si Rendon Labador matapos niyang magkomento kaugnay sa pahayag ni Michael V tungkol sa mga content creator. Ani Michael, ang unang bagay na dapat maintindihan ng mga content creator ang salitang content. Ayon naman kay Rendon, laos na ang mga nasa mainstream media at ang mga influencers na daw ang celebrities sa kasalukuyan. Dagdag pa ni Rendon ay dapat manahimik na lang ang mga celebrities kung hindi nila kayang makipagsabayan sa mga influencers sa paggawa ng content.

Sumagot si Rendon sa mga nagtanggol kay Michael V kasunod ng kanyang pahayag. Muli niyang iginiit na laos na daw ang mga artistang ito at wala raw siyang pakialam. Aniya, kahit magkampihan pa silang lahat at dapat daw tanggapin na nila ang katotohanan. Matatandaang nag-ugat ang isyu matapos maglabas ng pahayag ni Rendon laban kay Michael V kaugnay sa pahayag nito tungkol sa dapat matutunan ng mga content creator.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate