Herlene Nicole Budol, nagbahagi ng paalala matapos ang pagkakadapa sa GMA Gala
- Nagbigay ng mensahe si Herlene Nicole Budol matapos mag-viral ang video ng kanyang pagkakadapa at pagkahulog sa stage sa GMA Gala
- Sa post niya sa X, sinabi ni Herlene na ang mga insidente ng pagkakadapa ay natural at hindi dapat pagtawanan
- Nilinaw ni Herlene na hindi sinadya ang pagkahulog at binatikos ang mga nag-akusa na ginawa ito para mag-trending
- Bago ang insidente, ipinakita ni Herlene ang kanyang alindog sa isang bonggang Leo Almoda creation na tinatawag na “Birth of Venus”
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Nagbigay ng mensahe si Herlene Nicole Budol matapos mag-viral ang video ng kanyang pagkakadapa at pagkahulog sa stage habang rumarampa sa GMA Gala. Sa isang post sa X, ibinahagi ni Herlene ang kanyang pananaw sa insidente at nagsabi, “Sa buhay kapag nadapa ka, bumangon ka.”
Kasama ng video clip ng kanyang pagkahulog, nilinaw ni Herlene na hindi sinadya ang insidente at binatikos ang mga nagsasabing baka ito ay ginawa para mag-trending. “Pag nadapa hindi pinag-tatawanan,” pahayag ni Herlene, “Accident always [happens]! Sa palagay niyo ba gusto ko madapa?”
Dagdag pa ni Herlene, “Lahat ng tao nadadapa, naaaksidente, ang importante safe at di nasugatan.” Bago ang aksidente, ipinakita ni Herlene ang kanyang alindog sa isang bonggang Leo Almoda creation na tinatawag na “Birth of Venus,” na hinangaan ng marami.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Si Herlene "Hipon" Budol ay unang nakilala sa kanyang bansag na Hipon Girl sa programa ni Willie Revillame na Wowowin. Minahal siya ng kanyang mga tagahanga at tagasubaybay dahil sa pagiging prangka nito kahit pa sa harap ng kamera. Kamakailan ay sumali siya sa Binibining Pilipinas kung saan naging first runner up siya.
Matatandaang binahagi ni Herlene ang kanyang pakikipagkaibigan sa mga kapwa niya sa kandidata sa Miss Planet International 2022. Pinatikim niya sa mga ito ang dala niyang kutkutin na buto ng kalabasa. Tinuruan niya ang mga ito kung paano ang tamang pagkain nito at mukhang nagustuhan naman nila ang lasa. Matatandaang pumunta si Herlene sa Uganda sa Africa para sana sumabak sa Miss Planet.
Sa post ni Wilbert Tolentino, sinabi niyang hindi na kasali sa Miss Planet International 2022 si Herlene. Sa kanyang binahagi sa Facebook, sinabi ni Wilbert na ito ay dahil sa umano'y "uncertainties" sa panig ng mga organizers. Humingi siya ng dispensa sa mga supporters at lahat ng sponsors at designer at pinasalamatan niya din ang mga ito. Ito sana ang kauna-unahang international pageant ni Herlene.
Source: KAMI.com.gh