Maris Racal, sumagot na kay Vice Ganda kaugnay sa "may edad na na beki" video nya

Maris Racal, sumagot na kay Vice Ganda kaugnay sa "may edad na na beki" video nya

- Sinagot ni Maris Racal ang tweet ni Vice Ganda kung saan nag-react siya sa naging pahayag ni Maris

- Kuha ang video clip sa isang vlog ni Maris kung saan puring-puri niya si Vice

- Gayunpaman, ang kanyang nabanggit na "may edad na na beki" ang pabirong inalmahan ni Vice

- Nag-sorry si Maris sabay tanong kung sino raw ang naghalungkat ng video niyang iyon

Sinagot ni Maris Racal ang tweet ni Vice Ganda na nag-react sa kanyang pahayag sa isang video. Sa clip mula sa vlog ni Maris, puring-puri niya si Vice, ngunit ang kanyang nabanggit na "may edad na na beki" ay pabirong nag-react si Vice.

Maris Racal, sumagot na kay Vice Ganda kuaugnay sa "may edad na na beki" video nya
Maris Racal, sumagot na kay Vice Ganda kuaugnay sa "may edad na na beki" video nya
Source: Instagram

Nag-sorry si Maris at tinanong kung sino ang naghalungkat ng lumang video, "HOY SINONG NAGHALUNGKAT NITOOOOOOO???? SORRY MEME!!!! Love youuuu"

Matatandaang ni-repost ni Vice Ganda ang video clip mula sa vlog ni Maris kung saan ginawa nila ang pipilahan o di pipilahan challenge. Sa video, puring-puri siya nina Maris, Jai Agpangan, at Kyo Quijano.

Read also

Jennylyn Mercado, nagbigay pahayag ukol sa nababalitang alok umano ng ABS-CBN

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ani Maris, naiisip niyang magandang maging ate ni Vice Ganda para sa gabay sa buhay. Idinagdag pa niya na ang komentaryo niyang may edad na beki ay nagdulot ng reaksyon mula kay Vice Ganda.

Si Mariestella "Maris" Cañedo Racal ay isang 23 anyos na Pinay actress, singer-songwriter, host, vlogger at endorser. Una siyang sumikat noong 2014 matapos niyang sumali sa Pinoy Big Brother: All In. Lumaki siya sa pamilyang mahilig sa musika at natutong tumugtog ng gitara sa murang edad.

Napakomento si Maris sa mga larawang kuha ng isang fan na nanood ng Summer MMFF 2023 Parade of Stars. Makikitang blurred lahat ng kuha ng fan sa mga artistang nakasama niya sa picture. Bukod kay Maris, malabo rin ang kuha ng fan na nakasama sa larawan sina Enchong Dee at Kylie Padilla. Kaya naman hiling ni Maris na makita muli ito upang maayos silang makakuha ng picture.

Samantala, marami ang kinilig sa birthday greeting ni Rico Blanco kay Maris. Nagdiriwang ng kaarawan si Maris noong Setyembre 22. Sa kanya namang socmed, nagbahagi si Maris ng ilan sa kanyang mga larawan. Taong 2021 nang aminin ni Maris sa "Magandang Buhay" na bago pa man ang pandemic ay may relasyon na sila ni Rico.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate