Willie Revillame, may pahayag laban sa katunggaling show
- Nagbigay ng reaksyon si Willie Revillame sa mga usaping may kinalaman sa ratings ng iba't ibang palabas
- Sa isang episode ng "Wil To Win", ipinakita ni Willie na ang audience ang kanilang tunay na sukatan ng tagumpay
- Naglabas ng post sa Facebook ang "Family Feud" na nagpasalamat sa mataas na 9.6 ratings nang magkasabay sila ng palabas ni Willie
- Pinuna ni Willie ang pagkakaiba ng kanilang programa na "Wil To Win" bilang orihinal at live na hindi tulad ng ibang imported na programa
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Naglabas ng reaksyon si Willie Revillame sa mga usaping may kinalaman sa ratings ng iba't ibang palabas. Sa isang episode ng kanyang bagong programa na "Wil To Win", binigyang-diin ni Willie na para sa kanila, ang audience nila ang tunay na sukatan ng kanilang tagumpay.
Sa kanyang pahayag, sinabi ni Willie na hindi sila naaapektuhan ng ipinapakitang mataas na ratings ng ibang mga programa. Ang kanilang layunin umano ay magbigay ng kasiyahan at pag-asa sa kanilang mga manonood.
Maalala na kamakailan lamang ay naglabas ng post sa Facebook ang "Family Feud", ang katapat na show ng "Wil To Win", kung saan nagpasalamat sila sa 9.6 ratings na nakuha nila noong isang Lunes kumpara sa ibang kasabayang palabas.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Ayon pa kay Willie, okay lang naman ang kompetisyon at wala silang sama ng loob. Ang mahalaga umano ay tuloy-tuloy lang silang magtrabaho sa TV5 at masiguro na mapasaya ang mga manonood araw-araw.
Nagpahayag din si Willie ng kanyang saloobin tungkol sa pagkakaiba ng kanilang programa. Ipinunto niya na ang "Wil To Win" ay isang orihinal na konsepto at hindi binili mula sa ibang bansa. Habang kaya pa nila, patuloy nilang bibigyan ng de-kalidad na programa ang kanilang mga tagasubaybay.
Ang "Family Feud", na katapat ng "Wil To Win", ay isang lokal na bersyon ng sikat na American game show na umere na sa Pilipinas sa iba't ibang estasyon mula pa noong 2001.
Pinagmamalaki rin ni Willie na ang kanilang palabas ay live at hindi pre-recorded. Pinuna rin niya ang timing ng katapat na show na itinapat ang kanilang episode kung saan tampok ang kanyang anak na si Meryll Soriano at si Diamond Star, Maricel Soriano.
Sa kanyang pagtatapos, sinabi ni Willie na hindi dapat maging labanan ang sitwasyon kundi pagtutulungan upang matulungan ang mga kababayang naghihirap.
Si Willie Revillame isa sa mga batikang komedyante at TV host sa Pilipinas. Kilala siya bilang isa sa mga pinakamayamang showbiz celebrity sa Pilipinas. Naibabahagi niya umano ang mga biyayang ito sa ilang mga game show niya na talagang pumatok sa masa tulad na lamang ng Wowowin.
Nagbigay pahayag si Willie Revillame ukol sa umano'y pansamantalang pagsasara ng AMBS. Apektado rin ang pansamantalang paghinto sa ere ng ilang mga programa nito.
Kabilang si Ogie Diaz sa mga naglabas ng saloobin ukol sa naging pahayag ni Willie Revillame sa pagtatapos ng ilang programa sa ALLTV. Matatandaang naging usap-usapan ang mga nasabi ni Willie lalo na nang sabihin niyang dapat ay i-'set aside ang pulitika' sa pangyayaring ito.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh