Priscilla Meirelles, makikipagmeeting na raw sa kanyang abogado

Priscilla Meirelles, makikipagmeeting na raw sa kanyang abogado

- Muling nagbahagi si Priscilla Meirelles ng update sa kanyang Bakasyon sa Brazil

- Sa isang Facebook live ay nabanggit niya na na-postpone ang kanyang meeting sa kanyang lawyer

- Gayunpaman, itutuloy na daw niya ito ngunit hindi na niya sinabi kung para saan at kung ano ang dahilan ng pakikipagpulong niya sa abugado niya

- Nabanggit niyang siya ang tipo ng tao na ginagawa niya kung ano ang sinasabi niya: "I walk my Talk"

Muling nagbahagi si Priscilla Meirelles ng update tungkol sa kanyang bakasyon sa Brazil sa pamamagitan ng isang Facebook live. Sa kanyang update, nabanggit niya na na-postpone ang kanyang meeting sa kanyang abogado, ngunit itutuloy na raw niya ito.

Priscilla Meirelles, makikipagmeeting na raw sa kanyang abogado
Priscilla Meirelles, makikipagmeeting na raw sa kanyang abogado
Source: Facebook

Hindi nagbigay ng detalye si Priscilla tungkol sa dahilan ng pakikipagpulong niya sa abogado, ngunit sinabi niya na siya ang tipo ng tao na ginagawa ang kanyang sinasabi. "I walk my talk," aniya.

Read also

Priscilla Meirelles, nagsalita tungkol sa pinagdadaanan niya

Maraming tagasubaybay ang naghihintay ng karagdagang balita mula kay Priscilla, matapos ang kanyang makahulugang mga pahayag kamakailan kaugnay sa kanyang asawang si John Estrada. Nabanggit niya rin na naroroon lamang sila ng anak niyang si Anechka para magbakasyon at nakatakda ding umuwi sa PIlipinas.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Priscilla Meirelles de Almeida ay isang Barzilian model at beauty queen. Nanalo siya sa Miss Earth pageant noong 2004 na ginanap sa Pilipinas. Matapos ang pagkapanalo ay naging bahagi siya ng showbiz sa bansa at kinalaunan ay ikinasal sa aktor na si John Estrada noong 2011.

Naging usap-usapan ang makahulugan at matapang na hashtags na ginamit ni Priscilla kamakailan sa kanyang Instagram post. Kalakip ito ng kanyang picture na nagpapakita ng kanyang natural na kagandahan. Ang caption ng naturang post niya ay kalakip ang mensaheng "not fragile like a flower." Aniya, siya ay parang bomba.

Nag-post din siya ng nakakaintrigang payo para sa kanyang Instagram followers at fans. Nagbahagi siya ng tips para sa mga taong aniya'y gusto silang itrato nang tama. Aniya, tama lang at walang masama kung gustuhin na igalang. Ito ay sa kabila ng isyung kinakasangkutan ng kanyang asawa at ang binabanggit nito na nag-entertain umano sa pamilyadong lalaki.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate