Misis ni Nikko Natividad na si Cielo Eusebio, isinapubliko ang pagbubuntis

Misis ni Nikko Natividad na si Cielo Eusebio, isinapubliko ang pagbubuntis

- Ibinahagi ng asawa ni Nikko Natividad ns di Cielo Eusebio na sila ay magkaka-baby nang muli

- Nag-post sila ng larawan ng pregnancy test kit na may positibong resulta at lumalaking tiyan ni Eusebio

- Matapos ang apat na taon ng pagsubok, naramdaman nilang lubos ang pasasalamat at blessing para sa kanila

- Ikinaasal sila noong Nobyembre 2021, mayroon na silang anak na nagngangalang Aiden

Ibinahagi ni Nikko Natividad at ng kanyang asawa na si Cielo Eusebio ang magandang balita na sila ay magkaka-baby na. Sa isang social media post nitong Miyerkules, nag-upload ang mag-asawa ng mga larawan ng pregnancy test kit na may positibong resulta at isang larawan ni Eusebio na ipinapakita ang kanyang lumalaking tiyan.

Misis ni Nikko Natividad na si Cielo Eusebio, isinapubliko ang pagbubuntis
Misis ni Nikko Natividad na si Cielo Eusebio, isinapubliko ang pagbubuntis
Source: Instagram

"Even miracles take a little time. #babyontheway Biggest blessing for 2024❤️ After 4 years of trying, we are feeling grateful and blessed for this miracle. We can’t wait to meet you, little one! ," ayon sa kanilang post.

Read also

Marian Rivera, trending matapos mapalaban sa English translation

Noong Nobyembre 2021, ikinasal si Eusebio kay Natividad, isang dating "Pinoy Big Brother" housemate at miyembro ng Hashtags. Mayroon na silang isang anak na lalaki na nagngangalang Aiden.

Ibinahagi nina Natividad at Eusebio ang kanilang engagement sa pamamagitan ng isang vlog na inilabas noong Agosto 2021.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Natividad ay kasalukuyang bahagi ng hit primetime series na "FPJ's Batang Quiapo".

Si Nikko Natividad ay unang sumikat matapos niyang manalo sa Gandang Lalake segment ng It's Showtime. Kinalaunan, nakabilang siya sa tinaguriang "kilig ambassadors" ng noontime show, ang grupong Hashtags.

Kinaaliwan si Nikko Natividad sa kanyang Instagram post bilang kanyang reaksiyon sa rebelasyon ni Jake Ejercito sa vlog ni Charlie Dizon. Isa kasi sa naitanong ay tungkol sa kung sino ang huling tao sa kanyang search history sa Instagram at mabilis ang naging tugon ni Jake na si "Nikko daks." Pabirong sinabihan ni Nikko si Jake na masaya ang pagsasama nila ng kanyang misis at makakahanap din daw ito ng kagaya niya. Sagot naman ni Jake, na na-curious lang daw siya sa mga swimsuit posts ni Nikko.

Read also

Abegail Rait, nagbahagi ng quote sa gitna ng viral video ng anak

Ibinida ni Nikko ang video niya kasama ang inaanak na si Felize na anak nina McCoy De Leon at Elisse Joson. Makikita sa video na hinahawakan niya ito sa magkabilang kamay at pinapasayaw. Hirit pa ni Nikko, sa halagang 3K kada araw ay mapapalabas niya ang hidden talent ng bata. Pabiro nitong sinabihan sina McCoy at Elisse na may babayaran silang 6K sa kanya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate