Kris, nilinaw ang naging relasyon kay Mark Leviste; inaming may bagong 'pag-ibig'

Kris, nilinaw ang naging relasyon kay Mark Leviste; inaming may bagong 'pag-ibig'

- Nilinaw ni Kris Aquino ang estado ng naging relasyon nila ni Mark Leviste

- Inamin din nito na mayroong bagong nagpapatibok ng kanyang puso

- Nagbigay din siya ng ilang clue kung sino ito at taga saan

- Inunahan na niya ang publiko na hindi umano ito ang dahilan ng hiwalayan nila ni Mark

Isa sa natalakay ni Kris Aquino sa eksklusibong panayam sa kanila ni Ogie Diaz ay ang tungkol sa estado ng relasyon nila ni Mark Leviste.

Kris, nilinaw ang naging relasyon kay Mark Leviste; inaming may bagong 'pag-ibig'
Kris, nilinaw ang naging relasyon kay Mark Leviste; inaming may bagong 'pag-ibig' (@markleviste)
Source: Youtube

Nilinaw ni Kris na Nobyembre pa lang ng nakaraang taon, nagkalabuan na sila dahil sa mga bagay na nalaman tungkol kay Mark na hindi umano niya nagustuhan. Sinubukan umanong ayusin subalit Pebrero nang tapusin niya ang kaugnayan nila.

Bukod dito, malaking bagay ang minsang nasabi umano sa kanya ni Bimby.

"Mama I don't think you really love him. I think you're just sad. Tumatak yun sakin. Sabi ko yeah that's true."

Read also

Kris Aquino, uuwi ng Pilipinas matapos ang umano'y kinatatakutang gamutan

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

At nang matanong kung mabibigyan niya pa ito ng isa pang pagkakataon, diretsahan ang naging sagot ni Kris.

"Kung sumusubok man, sarado na yung pinto... And I never confirmed publicly. Sa kanya naman nanggaling lahat."

Paalala ni Kris na huwag na rin umano dapat tanungin ng publiko si Mark patungkol sa kanyang kalagayan. Mas may alam pa umano si Ogie Diaz sa mga nangyayari umano sa kanya.

"'Wag niyo na sya tanungin kung kumusta ako kasi hindi naman niya talaga alam kung kumusta na ako. Kasi wala nang communication"

Doon, kinumpirma ni Kris na may bago umanong nagpapatibok ng kanyang puso.

He's a doctor based in the Philippines. nang mausisa ni Ogie Diaz kung saang bahagi sa Pilipinas, "Makati"

Ito umano ang rason kung bakit malakas ang loob ni Kris na umuwi sa Pilipinas sakaling maging maganda ang mga isasagawa sa kanyang gamutan.

Read also

Karla Estrada, inalmahan ang 'house for sale' post na kasama ang kanilang fam photo

Agad din niyang nilinaw na ang bagong pag-ibig ay hindi rason kung bakit sila naghiwalay ni Mark.

"Hindi sila nagkasabay. May malaking gap naman (mula Pebrero) at hindi sila nagkasabay.

"Walang nag-overlap at hindi siya 'yung dahilan kung bakit hindi kami naging okay," dagdag pa ni Kris.

"I feel na aalagaan niya ako and important 'yun sa taong may nararamdaman na mahirap gamutin. Kasi you need someone na pwede mong masandalan. 'Yun lang yun siguro."

Tungkol naman umano sa bagong nagpapatibok sa puso ni Kris, sinabi niya ang propesyon nito at kung saan matatagpuan.

"He's a doctor based in the Philippines... Makati"

Ito ang rason kung bakit malakas ang loob ni Kris na umuwi sa Pilipinas dahil alam niyang may mag-aalaga sa kanyang kalagayan pagdating dito.

Narito ang kabuuan ng naging panayam ni Ogie kay Kris Aquino kasama ang anak nitong si Bimby.

Si Kris Aquino ay anak ng pumanaw na dating Pangulong Cory Aquino. Tatay naman niya ang pumanaw na rin na dating Senador Ninoy Aquino. Kapatid naman siya ni former President Noynoy Aquino, ang pangulo ng Pilipinas bago si President Rodrigo Duterte. Maituturing si Kris na isa sa pinakamahusay na talk show host dahilan para siya'y bansagan na Queen of all Media ng Pilipinas.

Read also

Ara Mina, naiyak nang maalala ang matinding sinabi ng bashers sa kanya noon

Matatandaang sa kanyang social media post, minsang pinasalamatan ni Kris ang kaibigang sumama sa mga anak na sina Josh at Bimby sa pagpunta ng mga ito sa Disneyland. Tila hindi na ito magawa ni Kris na samahan sa ngayon dahil sa patuloy niyang gamutan.

Sa isang episode ng Showbiz Update channel ni Ogie Diaz, nabanggit niyang marami umanong mga faith healers ang kumokontak sa kanya at nais na makatulong umano sa kalagayan ni Kris Aquino. Gayunpaman, sinabi ni Ogie na mas lamang pa rin umano ang direktang pananampalataya ni Kris at nagtitiwala umano sa gamutang isinasagawa sa kanya ngayon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel