Ara Mina, naiyak nang maalala ang matinding sinabi ng bashers sa kanya noon
- Hindi napigilang maluha ni Ara Mina nang maalala ang mga naibato sa kanya noon ng kanyang bashers
- Tuwing naaalala niya iyon, tila may kurot pa rin ito sa kanyang puso
- Gayunpaman, pinili pa rin niyang hindi maghigante at manatiling maging mabuting tao
- Sa kabila ng mga ito, marami pa rin umanong bagay na ipinagpapasalamat ni Ara
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Naging emosyonal si Ara Mina nang maalala nito ang matinding bashing na natamo noon.
Sa panayam sa kanya ni Morly Alinio, isa ito sa nausisa sa kanya na siyang naging dahilan ng pagbagsak ng kanyang luha.
"'Pag naaalala mo pala siya may ano pa rin no? 'Pag may wound na, kahit nag-heal siya, meron pa rin kirot somehow 'pag kunwari na-press mo siya."
"'Yung mga natanggap ko na bash na 'yun, made me a better and good person. And mas lalo akong naging strong. Kasi you know, dito sa showbiz, ang dali nilang mag-judge. Minsan kahit yung iba, ganun pa rin ang tingin sa'yo. I don't care anymore. As long na, the fact na may nagseryoso sa'king lalake, sa past ko, mahal ako ng anak ko, I don't care anymore 'yung binansag nila sa'kin. Because nobody's perfect in this world. Walang perpektong lalake, walang perpektong babae. Madali lang silang mag-judge, hindi nila kasi alam 'yung real story."
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Narito ang kabuuan ng naging pahayag ni Ara mula sa panayam sa kanya ni Morly Alinio:
Si Hazel Pascual Reyes-Almarinez o mas kilala bilang si Ara Mina ay isang Filipino actress, singer, endorser, at kilala ring entrepreneur. Nagtamo rin siya ng kabi-kabilang acting awards sa FAMAS, Golden Screen award at Asia's Golden Icons Award.
Bukod dito, kilala si Ara bilang mapagmahal na ate sa kanyang pamilya. Madalas nga niyang maibahagi ang video ng bonding nila ng kanyang bunsong kapatid na si Baching na kamakailan ay nagdiwang ng 32nd birthday nito.
Samantala, isa si Ara sa mga kilalang personalidad sa grand opening ng Quezon City branch ng Diwata Pares Overload. Bukod kay Ara, present din ang Vice Mayor ng Quezon City na si Gian Sotto, content creator na si Rendon Labador at kilalang vlogger at CEO na si Rosmar Pamulaklakin.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh