Team Malakas, naglabas ng video para mag-public apology

Team Malakas, naglabas ng video para mag-public apology

- Naglabas ng video ang Team Malakas na kinabibilangan nina Rosmar Tan at Rendon Labador kaugnay sa kanilang naging reaksiyon sa pag-post ng isang staff ng munisipyo sa Coron, Palawan

- Humingi din sila ng dispensa sa mismong staff na nauna na ring nag-public apology sa kanila

- Ani Rosmar, kung sa tingin talaga ng pamunuan ng Coron na karapat-dapat silang ideklarang persona non-grata ay maluwag nilang tatanggapin

- Nakiusap din si Rendon na huwag naman daw sana dahil gusto niya pang dalhin ang kanyang pamilya sa Coron

Naglabas ng video ang Team Malakas na kinabibilangan nina Rosmar Tan at Rendon Labador kaugnay sa kanilang naging reaksiyon sa pag-post ng isang staff ng munisipyo sa Coron, Palawan. Humingi din sila ng dispensa sa mismong staff na nauna na ring nag-public apology sa kanila.

Team Malakas, naglabas ng video para mag-public apology
Team Malakas, naglabas ng video para mag-public apology
Source: Facebook

Ayon kay Rosmar, kung sa tingin talaga ng pamunuan ng Coron na karapat-dapat silang ideklarang persona non-grata, maluwag nilang tatanggapin ito.

Read also

Viral Amlan couple, bongga ang Take 2 ng kanilang kasal

Gayunpaman, ani Rendon, sana ay huwag nang isama ang mag-asawang Rosmar at Nathan kung mangyari man ang deklarasyon.

Nakiusap din si Rendon na huwag naman daw sana dahil gusto niya pang dalhin ang kanyang pamilya sa Coron.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Rosmar Tan o Rosemarie Tan ay nakilala sa social media dahil sa kanyang pamamahagi ng tulong sa mga netizens lalo na ngayong panahon ng pandemya. Unti-unting lumaki ang bilang ng mga taong naka-follow sa kanyang social media accounts.

Matatandaang naging emosyonal ang vlogger na si Rosemar kaugnay sa video kung saan pinagtatawanan umano ang dati niyang itsura. Inalmahan niya ang umano'y pangbu-bully sa kanya ng ilang sikat na influencer sa TikTok. Mayroon din umanong screenshot ng conversation ng mga ito ng kanilang pangbu-bully kay Rosmar. Tila naman humingi na ito ng saklolo sa tinaguriang sumbungan ng bayan, ang "Raffy Tulfo in Action" na kanyang binanggit sa kanyang post.

Read also

Viy Cortez, binahagi ang nagagandahang wedding photos nila ni Cong

Sinabi ni Rosmar na hindi talaga siya nagparetoke dahil natatakot umano siya. Nagpaturok lang umano siya para masubukan yung enhancement para magkaroon siya ng ilong na kagaya sa mga artista. Sa naturang video ay ginalaw pa niya ang kanyang ilong bilang patunay na hindi umano siya nagparetoke. Dagdag pa niya, alam umano niya na isang taon lang ang bisa ng kanyang pagpapaturok at bumalik na sa dati ang kanyang ilong.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Hot: