JoWaPao, emosyonal sa natanggap na Father's day surprise

JoWaPao, emosyonal sa natanggap na Father's day surprise

- Kitang-kita ang saya ng 'JoWaPao' ng "Eat Bulaga" sa natanggap nilang Father's day surprise

- Maging ang TVJ ay sinurpresa rin ng kanilang mga anak na sina Ciara, Danica at Jocas

- Ipinakilala rin ng ibang mga "Eat Bulaga" hosts ang kanilang mga ama

- Mapapanood ang "Eat Bulaga" sa TV5 at patuloy na nagbibigay saya tuwing tanghalian

Walang pagsidlan ng kasiyahan sina Jose Manalo, Wally Bayola at Paolo Ballesteros nang matanggap nila ng mas maaga ang kanilang Father's Day surprise.

JoWaPao, emosyonal sa natanggap na early Father's day surprise
JoWaPao, emosyonal sa natanggap na early Father's day surprise (TVJ Facebook)
Source: Facebook

Sa pagdiriwang ng Eat Bulaga sa espesyal na araw para sa mga haligi ng tahanan, naging panauhin nila si Keira, anak ni Paolo, Rome, anak ni Wally at Yesha na anak naman ni Jose.

Hinandugan nila ng sayaw ang kanilang mga ama at binigyan din nila ang mga ito ng sweet messages.

Halos maluha ang tatlo sa pagbisita ng kanilang mga anak sa bihirang pagkakataong ito na ibinigay sa kanila ng Eat Bulaga.

Read also

Derek Ramsay, inulan ng pagbati sa kanyang cryptic post: "Can't wait @maria.elena.adarna"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Samantala, maging ang TVJ ay hinandugan ng awitin ng kani-kanilang mga anak na sina Ciara, anak ni dating senador Tito Sotto, Danica anak ni Vic, at Jocas na anak ni Joey.

Ipinakilala naman nina Maine, Carren at Atasha ang kanilang mga ama na hinandugan din nila ng song and dance bilang paggunita nila sa Father's Day.

Ang Eat Bulaga ang itinuturing na longest-running noontime show hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo kung saan sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon ang orihinal na hosts ng naturang programa. Una itong napanood noong taong 1979 sa RPN 9 na sinundan ng pagiging Kapamilya nila sa loob ng anim na taon. At ang pinakahuling naging tahanan nila ay ang GMA 7 sa loob naman ng 28 na taon.

Read also

Kim Chiu, nausisa ni Bela kung ano ang trabaho kung hindi siya artista

Isang taon na ang nakalipas nang gumulantang sa publiko ang pamamaalam nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon sa TAPE Inc. Makalipas ang isang linggo, kinumpirma ng TVJ na ang TV5 ang magiging bago nilang tahanan gayundin ng iba pang dating Eat Bulaga host na piniling sumama pa rin sa kanila. Hulyo 1 naman nang nakaraang taon, emosyonal silang humarap sa publiko sa bago nilang programa na E.A.T.

Kalaunan, nakuha nilang muli ang pangalan ng progama na Eat Bulaga habang ang naiwang noontime show sa GMA ay napangalanan namang 'Tahanang Pinakamasaya.' Hindi nagtagal, tuluyan nang nabuwag ang nasabing programa. At nito lamang April 6, pormal nang nagsimulang isa-ere ang It's Showtime bilang isang noontime show sa GMA.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel