Kim Chiu, tinawag na 'queen of character development' ng kaibigang si Bela Padilla

Kim Chiu, tinawag na 'queen of character development' ng kaibigang si Bela Padilla

- Tinawag na 'queen of character development' ni Bela Padilla si Kim Chiu

- Ipinaliwanag niya bakit nabansagan niya nito ang umano'y isa sa malalapit niyang kaibigan

- Aniya, marunong si Kim na magbago para sa alam niyang mas makabubuti sa kanya

- Sa ngayon, bukod sa 'It's Showtime', mapapanood din si Kim sa seryeng 'What's Wrong With Secretary Kim'

Para kay Bela Padilla, 'queen of character development' ang kaibigang si Kim Chiu na kanyang nabanggit sa pinakabagong vlog.

Bela Padilla and Kim Chiu
Kim Chiu, tinawag na 'queen of character development' ng kaibigang si Bela Padilla (@chinitaprincess)
Source: Facebook

Ipinaliwanag ni Bela bakit niya nasabi ito sa isa sa pinakamalapit niyang kaibigan sa showbiz.

"Parang lahat ng kilala ko sa showbiz, ikaw yung queen of character development for me. Kasi every time, nakakakuha ka ng whether constructive or not, you take it and you improve."
"Kasi I think one of the cristicisms sa'yo sa showbiz when you were beginning was, ang payat ni Kim. 'Yun lagi e, hindi alam ng mga tao dream naming lahat 'yun... But katulad nun, laging sinasabi, ang payat ni Kim, ang payat ni Kim, bigla kang nag-workout. Nag-training ka para mag-Ironman. Now, you look so strong, you look so thin. So even in terms of that, you know how to change something to make it better," dagdag pa ni Bela.

Read also

Ice Seguerra, naikwentong medyo na-trauma umano sa simbahan

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Bukod pa rito, sinabi rin ni Bela na si Kim ay isa sa kanyang matatawag na 'most successful friend'.

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa YouTube channel ni Bela Padilla:

Si Kim Chiu ay unang nakilala sa mundo ng showbiz matapos siyang tanghalin bilang big winner sa kauna-unahang Pinoy Big Brother: Teen Edition. Bukod sa kanyang husay sa pag-arte, nagkaroon din siya ng maraming proyekto dahil sa husay niya sa hosting at pagsayaw. Nagkaroon din siya ng mga kanta kagaya ng MR. Right at Peng Yu.

Naging maugong ang pagtatapos ng relasyon nila ni Xian Lim noong nakaraang taon na naunang napansin ng publiko dahil na rin sa mga sagot ni Kim tuwing natatanong nito tungkol kay Xian.

Sa ngayon, bukod sa It's Showtime, mapapanood din di Kim sa seryeng 'What's wrong with secretary Kim' kung saan kapareha niya si Paulo Avelino na minsan na niyang naging leading man sa 'Linlang.'

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica