Xian Lim, sinabing hindi siya ang nag-initiate ng hiwalayan nila ni Kim Chiu

Xian Lim, sinabing hindi siya ang nag-initiate ng hiwalayan nila ni Kim Chiu

- Ibinunyag ni Xian Lim na hindi siya ang nagpasimula ng kanilang hiwalayan ni Kim Chiu sa "Fast Talk with Boy Abunda"

- Bagamat hindi pa sila nag-uusap mula noong hiwalayan, nanatili ang respeto nila sa isa't isa matapos ang 12-taong relasyon

- Kinumpirma ni Xian na malinis ang kanyang record at hindi siya nararapat sa mga paratang sa kanya dahil sa loob ng 12 taon nila ni Kim ay walang isyu sa kanya

- Nilinaw din ni Xian na hindi niya ginagamit ang isyu para sa promosyon ng kanyang pelikula, "Playtime"

Sa "Fast Talk with Boy Abunda" noong Miyerkules, tinanong ng King of Talk ang aktor ng Kapuso kung sila pa rin ba ni Kim ay magkaibigan ngayong hiwalay na sila.

Xian Lim, sinabing na hindi siya ang nag-initiate ng hiwalayan nila ni Kim Chiu
Xian Lim, sinabing na hindi siya ang nag-initiate ng hiwalayan nila ni Kim Chiu
Source: Instagram

"Of course. Nagulat ako sa tanong. Of course, yes," aniya.

Sinabi ni Xian na hindi sila nag-usap mula nang maghiwalay sila noong nakaraang taon.

Read also

DJ Chacha, nilinaw na hindi para kay Vice Ganda ang post niya sa X

When that night happened, maayos 'yung pag-uusap namin. Of course, merong iyakan, but there was that assurance na we—we went through 12 years, 'di ba? 12 years of our existence, so it has that respect, you know?" dagdag pa niya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ayon kay Xian, hindi siya ang nagsimula ng hiwalayan.

"To be completely honest, I wasn't the one who engaged in the separation. 'Yun lang po siya. It's that simple. I wasn't the one who initiated the breakup."

Kinilala rin ni Xian na ang kanilang mga tagahanga ay nadarama ang pagkabigo at galit, lalo na sa kanya, ngunit sinabi niyang malinis ang kanyang record.

Si Kim Chiu ay isang kilalang artista at personalidad sa industriya ng showbiz sa Pilipinas. Isinilang siya noong April 19, 1990, sa Tacloban City, Leyte, Philippines. Unang sumikat si Kim Chiu noong sumali siya sa reality show na "Pinoy Big Brother: Teen Edition" noong 2006, kung saan siya ang nagwaging big winner. Matapos manalo sa PBB, naging bahagi siya ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN, at nagsimula nang magkaruon ng mga proyektong telebisyon at pelikula.

Read also

Andi Eigenmann, inaming nalungkot ang ina sa kanyang pag-alis sa showbiz

Sa post ni Kim, binahagi niya ang saloobin na nakabalik na siya sa pagtatrabaho matapos ang mahigit isang linggo. Sa kanyang pagbabalik-trabaho, aniya ay mas naging makahulugan sa kanya ang linyang “Umulan man o Umaraw. Kahit ang dulo ay di matanaw." Bahagi ito ng lyrics sa opening song ng noontime show na "It's Showtime."

Tuwang-tuwa si Kim nang makatanggap ng mamahaling sapatos mula sa Diamond Star na si Maricel Soriano. Sa kanyang IG stories ay makikita ang pag-abot sa kanya ni Maricel ng Christian Louboutin na sapatos. Kilig na kilig si Kim habang sinusukat ang sapatos mula sa Diamond star. Todo-pasalamat si Kim at pinangakong aalagaan niya nang buong puso ang pamana ng kanyang inay Maria.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate