Andi Eigenmann, inaming nalungkot ang ina sa kanyang pag-alis sa showbiz

Andi Eigenmann, inaming nalungkot ang ina sa kanyang pag-alis sa showbiz

- Napaluha si Andi Eigenmann nang pag-usapan ang yumaong inang si Jaclyn Jose

- Inamin niyang malungkot ang ina sa kanyang pag-alis sa showbiz at Maynila

- Sinabi ni Andi na patuloy siyang sinusuportahan ni Jaclyn kahit mas pinili niya ang simpleng buhay sa Siargao

- Posible ang pagbabalik ni Andi sa showbiz para ipagpatuloy ang legacy ng kanyang ina

Hindi napigilan ni Andi Eigenmann ang mapaluha nang muling mapag-usapan ang kanyang yumaong ina na si Jaclyn Jose.

Andi Eigenmann, inaming nalungkot ang ina sa kanyang pag-alis sa showbiz
Andi Eigenmann, inaming nalungkot ang ina sa kanyang pag-alis sa showbiz
Source: Instagram

Inamin ng aktres at content creator na totoong malalim ang hugot ng pumanaw na premyadong aktres nang magdesisyon siyang iwan ang showbiz at tuluyan na manirahan sa isla ng Siargao kasama ang pamilya.

Base sa panayam ni Boy Abunda kay Andi sa TV special ng GMA 7 na “My Mother, My Story,” noong nabubuhay pa ang kanyang nanay ay palagi raw siya nitong kinukumbinsi na bumalik na sa showbiz.

Read also

DJ Chacha, nilinaw na hindi para kay Vice Ganda ang post niya sa X

Tungkol naman sa pagbabalik niya sa showbiz, posible naman daw mangyari ito lalo na ngayong naiisip niyang ipagpatuloy ang iniwang legacy ng kaniyang ina sa entertainment industry.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

“Hindi ko sinasabing ayoko mag-artista ulit o umarte ulit, hindi na ako babalik. Naghahanap pa rin siguro ako ng tamang pagkakataon para doon,” pahayag ni Andi.

Si Andi Eigenmann ay isang, product endorser at movie star. Siya ay nagmula sa prominenteng angkan ng mga artista ng mga Eigenmann. Anak siya ng award-winning aktres na si Jaclyn Jose at Mark Gil.

Marami ang natuwa sa bagong video na binahagi ni Andi sa kanilang YouTube channel kung saan binahagi niya ang kanilang bonding moment kasama ang mga anak na sina Ellie, Lilo at Koa sa kanilang bakuran. Gumawa sila ng kanilang DIY experiment na rocketship at makikita ang tuwa sa kanilang mga mukha sa simpleng libangan nila. Marami ang lalong humanga sa simpleng kasiyahan ng mag-iina sa kanilang bahay sa Siargao.

Read also

Andi, ikinuwento ang papuri ng Hollywood actress na si Kirsten Dunst sa kanyang ina

Samantala, ayon kay Gabby Eigenmann, nasa plano daw na dadalhin sa Siargao ang abo ni Jaclyn Jose pero hindi pa daw ito kumpirmado. Nabanggit daw ni Andi na 'Uwi na tayo Nanay' at aniya ay maraming pwedeng maging ibig sabihin ito. Hindi daw niya makalimutan ang sinabing ito ni Andi na umantig din maging sa mga taong nakarinig niyon. Aniya, ang bagay na hindi niya makakalimutan sa kanyang Tita Jane ay ang pagiging ina nito sa kanyang mga anak.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel