DJ Chacha, nilinaw na hindi para kay Vice Ganda ang post niya sa X

DJ Chacha, nilinaw na hindi para kay Vice Ganda ang post niya sa X

- Nilinaw ni DJ Chacha na hindi para kay Vice Ganda ang kanyang post sa X (Twitter) na “You deserve what you tolerate”

- Marami ang nag-react at hinamon siyang i-tag si Vice kung matapang siya

- Ipinaliwanag ni DJ Chacha na ang post ay para sa kaibigan niyang may problema sa lovelife

- Humiling siya sa mga followers na huwag gumawa ng isyu at magpakalma

Agad nilinaw ni DJ Chacha na hindi para kay Vice Ganda ang post niya sa X (Twitter) kung saan sinabi niyang, "You deserve what you tolerate." May mga nag-react at agad na nangbatikos kay DJ Chacha.

DJ Chacha, nilinaw na hindi para kay Vice Ganda ang post niya sa X
DJ Chacha, nilinaw na hindi para kay Vice Ganda ang post niya sa X
Source: Instagram

May mga nagpaalala pa na mas maraming naitulong si Vice kumpara sa iba.

Hinamon pa siya ng marami na i-tag si Vice kung talagang matapang siya. Ngunit agad nilinaw ni DJ Chacha na wala siyang intensyon na idawit si Vice Ganda sa kanyang post.

Read also

Andi Eigenmann, inaming nalungkot ang ina sa kanyang pag-alis sa showbiz

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

“Natulog lang ako, paggising ko nawindang na mundo ko! Mga beh, kalmahan lang natin please. Happy weekend!” dagdag pa niya.

Pinakalma niya ang mga netizens dahil hindi para kay Vice Ganda ang kanyang post. Aniya, gustuhin man niyang magkomento tungkol sa isyu ay hindi pa talaga niya alam ang buong pangyayari. Dagdag pa niya, huwag sanang pagsabungin ang wala namang isyu.

Si Vice Ganda ay isa sa pinakasikat na komedyante at TV host sa kasalukuyan. Nakilala siya sa kanyang husay sa pagpapatawa at mga pelikulang kadalasan ay tumatabo sa takilya. Kabilang din siya sa noontime show na It's Showtime na 13 taon nang napapanood sa ABS-CBN. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics.

Kinaaliwan si Kim Chiu matapos ibuking ni Vice Ganda na konting kibot daw naiiyak si Kim Chiu. Sa kanilang pag-uusap sa episode ng It's Showtime, pinuna ni Vice ang naging reaksiyon ni Kim sa kanyang pagkukuwento. Hirit naman ni Vhong Navarro, nagiging baka daw si Kim. Tawang-tawa naman si Kim sa mga hirit na ito ng kanyang mga co-hosts.

Read also

JK Labajo, nawindang sa nagpa-billboard sa FB status nya

Kinaaliwan din ang biruan nina Vice Ganda at Jhong Hilario sa Isip Bata segment ng It's Showtime. Pabirong sinabi ni Vice Ganda sa madlang people na i-mass report si Jhong. Tawang-tawa naman silang mga host sabay sabi ni Jhong na na-block na nga daw siya ng Facebook. Matatandaang naging biruan nila ito simula nang matanggal ang Facebook page ni Rendon Labador dahil daw sa pag-mass report.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Hot:
Online view pixel