JK Labajo, nawindang sa nagpa-billboard sa FB status nya

JK Labajo, nawindang sa nagpa-billboard sa FB status nya

- Nawindang si JK Labajo sa pagpapalabas ng kanyang Facebook status sa billboard

- Sa larawan na ibinahagi ni JK, nakita ang kanyang status na "Panahon na ng self love mga bhie"

- Humihingi si JK ng paliwanag sa mga taga Metro East kung sino ang nagpatayo ng billboard

-Umani ng iba't ibang komento mula sa paghanga hanggang sa katuwaan ang post na ito ni JK

Nawindang ang singer-actor na si Juan Karlos “JK” Labajo matapos niyang makita ang isang billboard na naglalaman ng kanyang status sa Facebook.

JK Labajo, nawindang sa nagpa-billboard sa FB status nya
JK Labajo, nawindang sa nagpa-billboard sa FB status nya
Source: Instagram

Sa X, ibinahagi ni JK ang larawan ng nasabing billboard kung saan nakalagay ang kanyang FB status na nagsasabing, "Panahon na ng self love mga bhie."

"Sinong taga Metro East nagpa-billboard ng mga Facebook status ko? Umamin na kayo hahaha," saad niya sa caption.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Read also

Sarina Hilario, muling kinagiliwan sa kanyang 'Salamin, salamin' video

Umani naman ito ng iba't ibang reaksyon mula sa mga netizen:

"Hahaha ang cute "
"Bhieeeeee naman eh"
"Hahahah JK naman, btw stream 'Kalma' kahit magulo diba? Reply nga diyan kung agree ka :)) Wala po akong maalala, your honor."

Patuloy na pinag-uusapan ang kakaibang pakulo na ito, at tila aliw na aliw ang mga fans sa nakakatuwang pangyayari.

Si Juan Karlos Labajo o JK Labajo ay naging contestant sa sikat na talent competition na "The Voice Kids Philippines" noong 2014 kung saan siya ay naging runner-up. Pagkatapos ng kanyang paglahok sa The Voice, sumunod ang kanyang mga pagganap sa iba't ibang palabas at pelikula sa telebisyon. Bukod sa kanyang karera sa pag-arte, si JK Labajo ay kilala rin sa kanyang mga awitin kagaya ng 'Buwan' at 'Ere'.

Matatandaang binahagi ni Andrea Brillantes ang blooper sa kanyang TikTok video kung saan makikita ang kaibigan niyang si JK. Kinaaliwan ang reaksiyon ni JK na napahawak pa sa dibdib niya sa gulat nang biglang nag-tumbling si Andrea. Nagtawanan silang magkaibigan matapos mapansin ni Andrea ang reaksiyon ni JK. Samantala, umabot na sa 8 million views ang Tiktok video niya kung saan ginawa niya ang TikTok trend na 'Ba't malungkot ang beshy ko?'

Read also

Maloi at Colet ng BINI, inulan ng pagbati sa pagtatapos nila ng Senior HS

Binahagi naman ni Moira Dela Torre ang video ng kanyang pagkanta ng awiting 'Ere' na pinasikat ni JK. Sa huling bahagi ng video ay makikitang mismong si JK ang tumutugtog ng gitara nang kumanta si Moira. Umani rin ng samu't-saring komento ang video na ito ni Moira lalo at mayroong bahagi ng kanta na pagmumura. Marami sa mga netizens ang nagsabing yung kay Moira ang tipo ng pagmumura na hindi masakit sa tenga dahil sa pagiging soft-spoken nito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel