Angelie Reposposa, binahagi ang larawan na ini-upload umano ng isang basher niya sa ibang bansa

Angelie Reposposa, binahagi ang larawan na ini-upload umano ng isang basher niya sa ibang bansa

- Ipinakita ni Angelie Reposposa ang larawan na ini-upload ng isang basher mula sa ibang bansa na may edited na mukha

- Nakasaad sa caption ng post ang malisyosong mensahe na kapag isinalin sa English ay, “How are you going to ruin genetics like that, so fat”

- Sinabi ni Angelie na edited ang kanyang mukha sa larawan at hindi ito tunay

- Nagdulot ng iba't ibang reaksyon mula sa netizens ang insidenteng ito at nagpahayag si Angelie ng kanyang pagkadismaya

Ipinakita ni Angelie Reposposa ang isang larawan na ini-upload umano ng isang basher niya mula sa ibang bansa, na may malisyosong caption at edited na mukha ng aktres.

Angelie Reposposa, binahagi ang larawan na ini-upload umano ng isang basher niya sa ibang bansa
Angelie Reposposa, binahagi ang larawan na ini-upload umano ng isang basher niya sa ibang bansa
Source: Facebook

Makikita sa nasabing post ang mukha ni Lie na inedit at may caption na nakasulat sa ibang wika. Ayon kay Angelie, kapag ito ay isinalin sa wikang English gamit ang Google Translate, ang ibig sabihin ay, “How are you going to ruin genetics like that, so fat?”

Read also

Andi Eigenmann, inaming nalungkot ang ina sa kanyang pag-alis sa showbiz

Mariing sinabi ni Angelie na EDITED ang kanyang mukha sa larawan at hindi tunay ang ipinapakita nito.

Ang insidenteng ito ay nagdulot ng iba't ibang reaksyon mula sa netizens, at nagpahayag si Angelie ng kanyang pagkadismaya sa mapanirang post na ito.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Unang nakilala si Lie bilang si Angelie “Lie” Reposposa nang sumali siya bilang isa sa mga daily contender ng 'Tawag ng Tanghalan' sa It's Showtime. Hindi man pinalad na manalo, ito ang naging daan upang mapasali siya sa Pinoy Big Brother kung saan napabilang siya sa mga finalist matapos niyang hiranging isa sa nanalo sa kanilang batch.

Matatandaang nag-viral ang paglabas ni Lie ang kanyang sama ng loob matapos niyang matuklasan ang umano'y pangba-backstab ng kanyang teacher. Aniya, dahil nais niyang mapagsabay ang pagtatrabaho at ang pag-aaral, sinubukan niya ang Alternative Learning System o ALS. Kasabay ng kanyang mensahe kaugnay sa kanyang saloobin sa nasabing teacher, ibinahagi niya ang screenshot ng mensahe ng teacher kung saan makikitang kausap nito ang ilan ding nag-aaral sa ALS. Nasabi pa nito na si Lie umano ay feeling artista na talaga namang inalmahan ng mga tagahanga ni Lie.

Game na game si Melai Cantiveros sa 'Bisaya Challenge' sa kanya ni Kim Chiu. Part 2 na ito dahil ang unang nakasama ni Kim sa kanyang bisaya challenge ay sina Maymay Entrata at Lie. Marami raw ang naghanap kay Melai sa part 1 kaya naman siniguro ni Kim na makakasama na niya ito sa part 2. Lalo pang naaliw ang mga nakapanood dahil sa makulit na tawa ni Kim na tuwang-tuwa kay Melai.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel