Daniel Padilla, nag-concert sa Davao sa gitna ng malakas na ulan

Daniel Padilla, nag-concert sa Davao sa gitna ng malakas na ulan

- Sa kabila ng malakas na buhos ng ulan, tuloy ang concert ni Daniel Padilla sa Davao del Norte

- Maririnig ang malakas na hiyawan at suporta mula sa mga manonood habang nagpe-perform si Daniel

- Pinusuan ng mga netizen ang dedikasyon ni Daniel na mag-perform sa kabila ng masamang panahon

- Marami ang humanga sa ipinakitang pagpapaalaga ni Daniel sa kanyang mga tagahanga

Kahit malakas ang buhos ng ulan, tuloy pa rin sa pag-perform ang aktor na si Daniel Padilla sa Davao del Norte. Sa kabila ng hindi magandang panahon, ipinakita ni Daniel ang kanyang dedikasyon sa mga tagahanga sa pamamagitan ng isang kahanga-hangang concert.

Daniel Padilla, nag-concert sa Davao sa gitna ng malakas na ulan
Daniel Padilla, nag-concert sa Davao sa gitna ng malakas na ulan (Dominic Rea/Facebook)
Source: Facebook

Todo-suporta naman ang mga manonood sa ginawa ni Daniel, at maririnig ang malakas na hiyawan habang siya'y nagpe-perform. Kahit basang-basa sa ulan, hindi ito naging hadlang sa aktor upang magbigay ng kasiyahan sa kanyang mga tagapanuod.

Read also

Anne Curtis, ibinida ang pagiging maalaga ng kanyang mommy Carmen

Dahil dito, pinusuan ng mga netizen ang ginawa ni Daniel:

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

“The one and only Daniel Padilla..go idoL Ang galing mo subra.”
“Nag iisang Supremo Dp.”
“Grabe ka DJ so proud of you.”

Marami ang humanga sa ipinakitang dedikasyon ni Daniel sa kanyang mga tagahanga, na kahit maulan ay tuloy pa rin siya sa kanyang pagkanta, ipinapakita ang kanyang tunay na pagmamalasakit at pagpapahalaga sa mga sumusuporta sa kanya.

Si Daniel Padilla, o kilala rin bilang Daniel John Ford Padilla, ay isang kilalang aktor, mang-aawit, at modelo sa Pilipinas. Siya ay kilala sa kanyang pagganap sa mga teleserye at pelikula, at isa siya sa mga sikat na artista ng kinabilangan ay ang mga teleseryeng "Princess and I," "Got to Believe," at "La Luna Sangre." Kasama rin siya sa ilang matagumpay na pelikula tulad ng "She's Dating the Gangster," "Crazy Beautiful You," at "The Hows of Us."

Read also

Vice Ganda, nagpasalamat matapos hiranging #1 most followed male influencer

Marami ang nakapansin sa pagkawala ng breakup message ni Daniel para kay Kathryn. Ang kanyang post sa Instagram na dati ay binubuo ng tatlong picture kalakip ang message ni DJ ay dalawang picture na lang sa kasalukuyan. Dahil dito ay napaisip ang netizens lalo na ang fans ng KathNiel kung ano ang dahilan kung bakit nawala ang message ni DJ. Nabuhayan ng loob lalo na ang mga fans na umaasang magkakabalikan pa sila.

Natatandaang usap-usapang muli sina Kathryn at Daniel matapos mapansin ng netizens na naka-unfollow na sa Instagram si Kathryn sa ex niyang si DJ. Ito ay matapos ang isa’t-kalahating buwan mula nang isapubliko nila ang tungkol sa kanilang paghihiwalay. Gayunpaman, sa kasalukuyan ay naka-follow pa rin si Daniel sa aktres na nakasama niya din kamakailan sa kasal ni Robi Domingo at Maiqui Pineda. Namamataang maayos na magkausap ang dalawa sa kabila ng kanilang paghihiwalay.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Hot:
Online view pixel