Vice Ganda, may makulit na nabanggit sa umano'y love life ni Kathryn: "Wala akong sinasabi!"

Vice Ganda, may makulit na nabanggit sa umano'y love life ni Kathryn: "Wala akong sinasabi!"

- May makulit na nabanggit umano si Vice ganda ukol sa love life ni Kathryn Bernardo

- Ito ay matapos siyang magkomento sa isang performance sa anniversary concert ni Darren Espanto

- Kasama ni Kathryn sina Chie Filomeno at Alora Sasam na kinulit din ni Vice

- Matatandaang kamakailan, ibinahagi ni Kathryn ang mga magagandang nangyari sa kanya sa nagdaang buwan ng Mayo

May makulit na naging komento si Vice Ganda ukol umano sa love life ni Kathryn Bernardo.

Vice Ganda, may makulit na nabanggit sa umano'y love life ni Kathryn: "Wala akong sinasabi!"
Vice Ganda, may makulit na nabanggit sa umano'y love life ni Kathryn: "Wala akong sinasabi!"
Source: Instagram

Sa D10 anniversary ni Darren Espanto, kung saan panauhin din nito si Vice, nagkomento siya sa isa sa mga performance ni Darren.

"Kanina nagperform si Darren talagang may paganun siya... tapos may babae pa sa harapan niya. Alora tara gayahin natin," ani Vice na tinatawag si Alora Sasam na kasama nina Kathryn Bernardo at Chie Filomeno sa audience.

"Alora ikaw na lang ang pwede... kasi ako may asawa na, si Chie may something. Si Kathryn…wala akong sinasabi," ang makulit na nasabi ni Vice kung saan makikitang tawang-tawa naman umano sa kanya si Kathryn.

Read also

Kathryn, ibinahagi ang mga ganap sa buwan ng Mayo: "Ready for you now, June!"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Samantala, bukod sa mga nasabing personalidad, naroon din para makisaya at magtanghal sa Araneta Coliseum para sa D10 concert sina Sarah Geronimo, Ogie Alcasid at marami pang iba.

Si Kathryn Bernardo ay isang aktres na unang nakilala sa mundo ng showbiz nang gumanap siya bilang ang batang Cielo sa Kapamilya teleseryeng "It Might Be You". Kinalaunan ay naipareha siya kay Daniel Padilla at nakilala ang tambalan nila bilang "KathNiel."

Samantala, minsan nang nabanggit ni Ogie Diaz ang nalaman umano niya sa kanyang source na tuloy na ang part 2 ng Hello Love Goodbye na ang lokasyon naman ay sa Canada.

Matatandaang ang Hello Love Goodbye nina Alden Richards at Kathryn Bernardo ay minsan nang naging highest grossing film sa bansa bago pa man ito masungkit ng 'Rewind' nina Dingdong Dantes at Marian Rivera na naging pambato sa Metro Manila Film Festival noong 2023.

Read also

Maja Salvador, isinilang na ang kanilang baby girl: "Our Maria"

Samantala, wagi naman bilang Best Actress si Kathryn sa natapos na Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) para sa pelikulang 'A Very Good Girl.' Tinalo niya ang iba pang mga nominado na sina Maricel Soriano para sa pelikulang In His Mother's Eyes; Charlie Dizon para sa Third World Romance, Marian Rivera sa pagganap nito sa blockbuster movie na Rewind kung saan kasama niya ang mister na si Dingdong Dantes; Eugene Domingo sa pelikula nila ni Pokwang na Becky & Badette; at maging si Megastar Sharon Cuneta para sa "Family Of Two."

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel