Kathryn, ibinahagi ang mga ganap sa buwan ng Mayo: "Ready for you now, June!"

Kathryn, ibinahagi ang mga ganap sa buwan ng Mayo: "Ready for you now, June!"

- Ibinahagi ni Kathryn Bernardo ang mga pinagkaabalahan niya sa buwan ng Mayo

- Ilan sa mga ito ay ang kanyang travel, endorsements, workout at iba pa

- Hindi rin mawawala ang family time at maging ang mga bonding moments ng mga taong malalapit sa kanya

- Sinasabing abala ngayon si Kathryn sa umano'y paghahanda sa shooting ng pelikulang "Hello Love Again" kasama muli si Alden Richards

Masayang ibinahagi ni Kathryn Bernardo ang mga naging kaganapan sa kanyang buhay sa buwan ng Mayo.

Kathryn, ibinahagi ang mga ganap sa buwan ng Mayo: "Ready for you now, June!"
Kathryn Bernardo (@bernardokath)
Source: Instagram

Sa kanyang Instagram, ipinakita ang kanyang 'May Recap' kung saan hindi nawala ang mga bonding moments niya sa kanyang pamilya at malalapit na kaibigan.

Naroon din ang kanyang fitspiration workout video at mga endorsements na dinaluhan

"May went by so fast... Ready for you now, June!" ang caption ng naturang post.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Read also

Vice Ganda sa Expecially For You searchee na si Axel: "I will apologize to the guy"

Inaasahang mas magiging abala si Kathryn sa pagpasok ng Hunyo lalo na't kinumpirma na nila ang part 2 ng 'Hello Love Goodbye' na may pamagat na 'Hello Love Again.' Makakatambal pa rin niya rito ang aktor na si Alden Richards.

Si Kathryn Bernardo ay isang aktres na unang nakilala sa mundo ng showbiz nang gumanap siya bilang ang batang Cielo sa Kapamilya teleseryeng "It Might Be You". Kinalaunan ay naipareha siya kay Daniel Padilla at nakilala ang tambalan nila bilang "KathNiel."

Samantala, minsan nang nabanggit ni Ogie Diaz ang nalaman umano niya sa kanyang source na tuloy na ang part 2 ng Hello Love Goodbye na ang lokasyon naman ay sa Canada.

Matatandaang ang Hello Love Goodbye nina Alden Richards at Kathryn Bernardo ay minsan nang naging highest grossing film sa bansa bago pa man ito masungkit ng 'Rewind' nina Dingdong Dantes at Marian Rivera. Naging pambato sa Metro Manila Film Festival noong 2023.

Read also

Vice Ganda, may makulit na nabanggit sa umano'y love life ni Kathryn: "Wala akong sinasabi!"

Samantala, wagi naman bilang Best Actress si Kathryn sa natapos na Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) para sa pelikulang 'A Very Good Girl.' Tinalo niya ang iba pang mga nominado na sina Maricel Soriano para sa pelikulang In His Mother's Eyes, Charlie Dizon para sa Third World Romance, Marian Rivera sa pagganap nito sa blockbuster movie na Rewind kung saan kasama niya ang mister na si Dingdong Dantes, Eugene Domingo sa pelikula nila ni Pokwang na Becky & Badette at maging si Megastar Sharon Cuneta para sa "Family Of Two."

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel