Kathryn sa HLA: "We thought we already said our goodbyes, here we are saying our hellos"

Kathryn sa HLA: "We thought we already said our goodbyes, here we are saying our hellos"

- Inihayag na ng Star Cinema at GMA Pictures ang pinakahihintay na sequel ng Hello Love Goodbye

- Makalipas ang limang taon, muling mapapanood ang tambalan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards

- Maging si Kathryn Bernardo ay aminadong may kaba at excitement sa Hello Love Again

- Hiling nilang muli silang suportahan sa pelikulang ito tulad ng pagtangkilik sa HLG na naging dahilan para magi silang highest grossing film bago pa man ang 'Rewind'

Pormal nang inihayag ng Star Cinema at GMA Pictures ang sequel ng pelikulang Hello Love Goodbye, ang 'Hello Love Again.'

Kathryn sa HLA: "We thought we already said our goodbyes, here we are saying our hellos"
Kathryn Bernardo and Alden Richards (GMA Public Affairs)
Source: Facebook

Mayo 19 nang ganapin ang press conference ng nasabing pelikula na muling pagbibidahan nina Alden Richards at Kathryn Bernardo.

Sa naturang press con, nasabi ni aminado si Kathryn na magkahalong kaba at excitment ang kanyang nadarama ngayong masusundan na ang highest grosser film ng bansa bago pa ang pelikulang 'Rewind' nina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Read also

Xian Lim sa relasyon noon kay Kim: "it wasn't a toxic relationship"

"Sinabi ko kanina pa ako kinakabahan, I don't know why. maybe it's more of excitement and halo-halong emosyon, but then seeing everyone here, ramdam na ramdam namin yung support at excitement niyo."

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"It's not gonna be easy, but here we are. This is so exciting you know. we thought we already said our goodbyes. But here we are, saying our hellos," ayon pa kay Kathryn.

Mapapanood ang Hello Love Again sa mga sinehan sa Nobyembre 13 ngayong taon.

Samantala, narito ang kabuuan ng naging pahayag ni Kathryn mula sa GMA Public Affairs:

Si Kathryn Bernardo ay isang aktres na unang nakilala sa mundo ng showbiz nang gumanap siya bilang ang batang Cielo sa Kapamilya teleseryeng "It Might Be You". Kinalaunan ay naipareha siya kay Daniel Padilla at nakilala ang tambalan nila bilang "KathNiel."

Read also

Angeline Quinto, sinagot ang komento na apat umano ang panganay ng kanyang asawa

Samantala, minsan nang nabanggit ni Ogie Diaz ang nalaman umano niya sa kanyang source na tuloy na ang part 2 ng Hello Love Goodbye na ang lokasyon naman ay sa Canada.

Matatandaang ang Hello Love Goodbye nina Alden Richards at Kathryn Bernardo ay minsan nang naging highest grossing film sa bansa bago pa man ito masungkit ng 'Rewind' nina Dingdong Dantes at Marian Rivera. Naging pambato sa Metro Manila Film Festival noong 2023.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica