Angeline Quinto, sinagot ang komento na apat umano ang panganay ng kanyang asawa

Angeline Quinto, sinagot ang komento na apat umano ang panganay ng kanyang asawa

- Sinagot ni Angeline Quinto ang akusasyon ng isang netizen na may apat na anak si Nonrev Daquina mula sa iba't ibang babae

- Itinanggi ni Angeline Quinto ang tsismis na may apat na anak si Nonrev Daquina mula sa iba't ibang babae

- Sinabi niyang dalawa lamang ang anak nito mula sa dating relasyon

- Matatandaang noong April 25, nagpakasal sina Angeline Quinto at Nonrev Daquina sa Quiapo Church

Nilinaw ng singer na si Angeline Quinto na dalawa lamang ang anak ng kanyang non-showbiz na asawa, si Nonrev Daquina, mula sa dating relasyon nito matapos siyang akusahan ng isang netizen na may apat na umanong anak si Daquina.

Angeline Quinto, sinagot ang komento na apat umano ang panganay ng kanyang asawa
Angeline Quinto, sinagot ang komento na apat umano ang panganay ng kanyang asawa
Source: Instagram

Sa Instagram, sinagot ni Angeline ang isang komento na nagsasabing "ang asawa niya ay may kasaysayan ng pagkakaroon ng apat na firstborns," at maaari siyang matulad sa aktres na si Pokwang, na naghiwalay sa kanyang dating partner na si Lee O’Brian.

Read also

Jackie Gonzaga, naiyak nang sabihin niya ang linyang "Sorry ayoko na, ang sakit-sakit na"

Angeline Quinto, sinagot ang komento na apat umano ang panganay ng kanyang asawa
Angeline Quinto, sinagot ang komento na apat umano ang panganay ng kanyang asawa
Source: Instagram

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sagot ni Quinto, "I’m sorry, dalawa lang ang naging unang anak niya sa una."

Noong 2020, lumabas ang mga balitang naghiwalay na sina Quinto at ang kanyang non-showbiz boyfriend at may isang babaeng lumantad at nagsabing siya ang bagong girlfriend ni Daquina. Ngunit, naglaho rin ang mga alegasyon na ito kalaunan.

Si Angeline Quinto ay kilalang mang-aawit na kinalaunan ay gumawa na rin ng pelikula at mga TV shows. Nakilala siya sa mundo ng entertainment at music scene nang sumali siya sa singing contest na Star Power: Sharon's Search For The Next Female Pop Superstar.

Sa isang vlog ay inamin ni Angeline na siya ang unang nagsabi ng "I love you" sa kanyang boyfriend na si Nonrev Daquina. Ito ay kanyang naibahagi sa YouTube video ni Luis Manzano kung saan nakapanayam niya sina Angeline at Nonrev sa kanyang segment na Luis Listens. Ito umano ang kauna-unahang panayam na pinaunlakan nilang magkasama lalo at mahiyain umano si Nonrev. Nakwento din ng dalawa ang kanilang problemang pinagdaanan kabilang na ang pagtutol ng manager ni Angeline sa relasyon nila.

Read also

Ivana Alawi, Php 2 million ang mother's day gift sa kanyang Mama

Naibahagi ni Angeline ang video ng kanyang pagprank kay dating Manila Mayor Isko Moreno nang i-guest siya nito sa kanyang online show. Nagkunwari si Angeline na masama ang kanyang pakiramdam at sinimulan niyang ipaalam sa staff ni Yorme na masama ang kanyang pakiramdam. Sa kalagitnaan ng show ay nagkunwari si Angeline na hinimatay siya habang naglalakad na ayon kay Yorme ay talagang ikinataranta niya. Agad umanong pinapatay ni Yorme ang mga cellphone nang makitang natumba si Angge para daw maprotektahan ito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel