Jackie Gonzaga, naiyak nang sabihin niya ang linyang "Sorry ayoko na, ang sakit-sakit na"

Jackie Gonzaga, naiyak nang sabihin niya ang linyang "Sorry ayoko na, ang sakit-sakit na"

- Hindi napigilan na Jackie Gonzaga na maging emosyonal nang isali siya ni Vice Ganda sa kanyang acting challenge

- Sa kanilang segment na Expecially For You, natanong ng searcher na si Sam Shoaf kung ano ang masasagot ng searchees sa linyang 'Sorry, may mahal na kong iba'

- Sinubok ni Vice Ganda ang mga husay ng kanyang co-hosts sa actin sa pamamagitan ng pagsabi ng linyang iyon

- Sa halip, iniba ni Jackie ang kanyang sinabi at hindi nito napigilang maiyak na tila ba ramdam na ramdam niya ang sinabi niyang "Sorry ayoko na, ang sakit-sakit na"

Hindi napigilan ni Jackie Gonzaga na maging emosyonal nang isali siya ni Vice Ganda sa kanyang acting challenge sa segment na "Especially For You" ng kanilang programa. Sa segment na ito, natanong ng searcher na si Sam Shoaf kung ano ang masasagot ng searchees sa linyang 'Sorry, may mahal na kong iba'.

Read also

Angeline Quinto, sinagot ang komento na apat umano ang panganay ng kanyang asawa

Jackie Gonzaga, naiyak nang sabihin niya ang linyang "Sorry ayoko na, ang sakit-sakit na"
Jackie Gonzaga, naiyak nang sabihin niya ang linyang "Sorry ayoko na, ang sakit-sakit na"
Source: Youtube

Upang masubok ang husay sa pag-arte ng kanyang mga co-hosts, hinamon ni Vice Ganda sina Jackie at iba pang mga host na sabihin ang linyang iyon nang may damdamin.

Nang dumating na ang pagkakataon ni Jackie, sa halip na sundin ang eksaktong linya, iniba niya ito at sinabing, "Sorry ayoko na, ang sakit-sakit na," na ikinaiyak niya.

Ang emosyonal na pagganap ni Jackie ay tila ba ramdam na ramdam niya ang bawat salita na kanyang binanggit, dahilan upang maging makabagbag-damdamin ang eksena at umani ng iba't ibang reaksyon mula sa mga manonood at kapwa niya host.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Vice Ganda ay isa sa pinakasikat na komedyante at TV host sa kasalukuyan. Nakilala siya sa kanyang husay sa pagpapatawa at mga pelikulang kadalasan ay tumatabo sa takilya. Kabilang din siya sa noontime show na It's Showtime na 13 taon nang napapanood sa ABS-CBN. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics.

Read also

Ivana Alawi, Php 2 million ang mother's day gift sa kanyang Mama

Kinaaliwan si Kim Chiu matapos ibuking ni Vice Ganda na konting kibot daw naiiyak si Kim Chiu. Sa kanilang pag-uusap sa episode ng It's Showtime, pinuna ni Vice ang naging reaksiyon ni Kim sa kanyang pagkukuwento. Hirit naman ni Vhong Navarro, nagiging baka daw si Kim. Tawang-tawa naman si Kim sa mga hirit na ito ng kanyang mga co-hosts.

Kinaaliwan din ang biruan nina Vice Ganda at Jhong Hilario sa Isip Bata segment ng It's Showtime. Pabirong sinabi ni Vice Ganda sa madlang people na i-mass report si Jhong. Tawang-tawa naman silang mga host sabay sabi ni Jhong na na-block na nga daw siya ng Facebook. Matatandaang naging biruan nila ito simula nang matanggal ang Facebook page ni Rendon Labador dahil daw sa pag-mass report.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel