Xian Lim sa relasyon noon kay Kim: "it wasn't a toxic relationship"

Xian Lim sa relasyon noon kay Kim: "it wasn't a toxic relationship"

- Nagbigay komento si Xian Lim patungkol sa naging relasyon niya noon kay Kim Chiu

- Nilarawan pa niya itong bilang "12 wonderful years" at sinabing magiging masaya naman sila para sa isa't isa

- Alam din niyang masakit umano ang nangyari maging sa mga taong sumuporta sa kanila

- Ngunit payo niyang tanggapin na rin ang nangyari at mag-move in na rin umano ang mga ito

"It wasn't a toxic relationship," ganito nilarawan ni Xian Lim ang kanyang naging relasyon kay Kim Chiu.

Xian Lim sa relasyon noon kay Kim: "it wasn't a toxic relationship"
Xian Lim and Kim Chiu (Star Magic Ball/ ABS- CBN)
Source: Instagram

Sa panayam sa kanya ng Philippine Star, isa umano ito sa mga natalakay.

"Of course, no ill feelings. I'm really just focused on work," ang bungad ni Xian sa usapin ng hiwalayan nila ni Kim.

“"t was a wonderful 12 years... So when it happened, we assured each other that we would be okay. We are on good terms. And we’re gonna be happy for each other," dagdag pa niya.

Read also

Kathryn sa HLA: "We thought we already said our goodbyes, here we are saying our hellos"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Samantala, alam niyang mahirap din ang kinahinatnan ng kanilang relasyon sa mga sumuporta sa KimXi, subalit tulad umano nila, payo rin niyang tanggapin na lamang ang nangyari at mag-move on na rin.

"I know it’s painful especially for the people who supported us for 12 years pero hindi naman namin ito ginusto. Kaya nga siya tumagal ng 12 years is because we worked on the relationship. Pinagtatanggol namin ang isa’t isa. We were there for each other, wala pong pagkukulang"

Samantala, sa panayam sa kanya ng Inquirer, nakapagkwento rin si Xian ng kanyang iba't ibang karanasan sa loob ng 15 taon sa showbiz. Naibahagi niya na sa kabila ng kanyang pagiging introvert, nabigyan siya ng pagkakataong subukan ang pag-aartista sa tulong na rin ng mga workshops.

Si Kim Chiu ay unang nakilala sa mundo ng showbiz matapos siyang tanghalin bilang big winner sa kauna-unahang Pinoy Big Brother: Teen Edition. Bukod sa kanyang husay sa pag-arte, nagkaroon din siya ng maraming proyekto dahil sa husay niya sa hosting at pagsayaw. Nagkaroon din siya ng mga kanta kagaya ng MR. Right at Peng Yu.

Read also

Xian Lim, nag-react sa nagsabing mahirap umano siyang katrabaho: "I don’t think so"

Naging maugong ang pagtatapos ng kanilang relasyon na naunang napansin ng publiko dahil na rin sa mga sagot ni Kim tuwing natatanong nito tungkol kay Xian.

Isa na rito ang aktres na si Maricel Soriano kung saan hayagang nausisa noon si Kim kung kumusta na nga ba ang estado ng relasyon nito sa kanyang nobyo. Hindi pa noon nakukumpirma ng 'KimXi' ang kanilang hiwalayan kaya naman ang sagot ni Kim sa Diamond Star 'naka-hang' daw ang kanyang love life sa panahong iyon.

Samantala, sa panayam ni Dr. Vicki Belo kay Kim kamakailan, natanong siya nito kung ano ang estado ng kanyang puso sa ngayon. Nilarawan niya ito na "a little empty."

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel