Xian Lim, nag-react sa nagsabing mahirap umano siyang katrabaho: "I don’t think so"

Xian Lim, nag-react sa nagsabing mahirap umano siyang katrabaho: "I don’t think so"

- Nakapagbigay reaksyon na si Xian Lim patungkol sa nag-viral na komento sa kanya

- Matatandaang isa umanong nakatrabaho ni Xian ang nagsabing mahirap umano siyang kasama sa isang proyekto

- Ani Xian, hindi naman niya kilala ang nagsabi nito at sana'y nabigyan siya ng pagkakataong makilala at makausap ito

- Dagdag pa ni Xian, sa tingin niya'y hindi naman siya mahirap na makatrabaho

Nabigyang pagkakataon na umano si Xian Lim na magbigay pahayag sa nag-viral na komentong mahirap umano siyang makatrabaho.

Xian Lim, nag-react sa nagsabing mahirap siyang katrabaho
Xian Lim (@xianlimm)
Source: Instagram

Sa panayam sa kanya ng Philippine Star, idinetalye ni Xian ang umano'y nangyari na sa palagay niya'y hindi lamang din siya nabigyan ng pagkakataong makilala ang taong ito upang maipaliwanag na rin ang kanyang panig.

"Wala po kasi talagang relationship or contact ang isang artista at isang writer at all in a TV show. Maybe in a film yes because you get to jam, it’s a collaborative process, but in a TV show, it’s very systematic."

Read also

Kathryn sa HLA: "We thought we already said our goodbyes, here we are saying our hellos"

"Kinumusta ako ng mga creatives on how I am, the progress, I proudly showed them the certificate. Then I was just asking about my character, ano 'yung mga gagawin ko, which is I think valid because ako yung magpo-portray so I know what to do."

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Gayunpaman, nasbai ni Xian na hindi niya umano nakilala ang naturang writer na hayagang nagbigay komento sa kanya.

"I don’t know the guy, I’ve never met him… How I wish he can elaborate because I worked really hard for that show."
"Am I difficult to work with? I don’t think so. I speak my mind on set. I raise concerns, I give an opinion and ask questions about the character I am about to portray. As I should because it’s my job to bring life to it. Maybe it comes off as difficult to other people. I’m just passionate about my craft."

Read also

Xian Lim sa relasyon noon kay Kim: "it wasn't a toxic relationship"

"Sadly, when it comes to these kinds of rumors, it’s easier to believe that artists are being difficult. That's the easiest fruit to pick. Rather than seeing how much effort we are putting in. Let’s remember that there are always two sides to the story."

Samantala, sa panayam sa kanya ng Inquirer, nakapagkwento rin si Xian ng kanyang iba't ibang karanasan sa loob ng 15 taon sa showbiz. Naibahagi niya na sa kabila ng kanyang pagiging introvert, nabigyan siya ng pagkakataong subukan ang pag-aartista sa tulong na rin ng mga workshops.

ngSi Alexander Xian Cruz Lim-Uy o mas kilala bilang si Xian Lim ay isang Filipino actor. Kasalukuyan siyang nasa ilalim ng GMA. Si Xian ang nakarelasyon ni Kim Chiu sa loob ng 12 taon.

Bago matapos ang taong 2023, gumulantang sa publiko ang hiwalayan ng KimXi. Naging maugong ang pagtatapos ng kanilang relasyon na naunang napansin ng publiko dahil na rin sa mga sagot ni Kim tuwing natatanong ito tungkol kay Xian.

Read also

Paolo Contis: "Habang nagsi-share ka nang nagsi-share, lalo kang pakikialaman"

Isa na rito ang aktres na si Maricel Soriano kung saan hayagang nausisa noon si Kim kung kumusta na nga ba ang estado ng relasyon nito sa kanyang nobyo. Hindi pa noon nakukumpirma ng 'KimXi' ang kanilang hiwalayan kaya naman ang sagot ni Kim sa Diamond Star 'naka-hang' daw ang kanyang love life sa panahong iyon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel