Danica Sotto, nagsalita tungkol sa cheating allegations sa mister: ‘Napikon lang naman ako'

Danica Sotto, nagsalita tungkol sa cheating allegations sa mister: ‘Napikon lang naman ako'

- Binasag ni Danica Sotto ang kanyang katahimikan tungkol sa cheating allegations sa mister na si Marc Pingris, na itinanggi nila pareho

- Nilinaw ni Danica na ang kanyang Instagram post tungkol sa pagtataksil ay para sa isang taong nanloko sa kanila sa negosyo, at hindi patungkol kay Marc

- Sinabi ni Danica na sanay na siya sa mga tsismis, ngunit napikon siya nang ang kanilang mga anak na ang tinitira ng netizens

- Itinanggi ni Marc at aktres na si Kim Rodriguez ang mga tsismis tungkol sa kanilang umano'y relasyon, at sinabing maayos ang lahat sa pagitan ni Marc at Danica

Nagsalita na si Danica Sotto kaugnay ng mga alegasyon ng cheating laban sa kanyang asawa, si Marc Pingris. Sa isang panayam sa “Updated with Nelson Canlas” podcast, sinabi ni Danica na bagama't nais na nilang mag-move on mula sa isyu, napagpasyahan niyang magsalita upang magbigay-linaw.

Read also

Andrea Brillantes nagbahagi ng payo sa kanyang mga kaedad: "Be single"

Danica Sotto, nagsalita tungkol sa cheating allegations sa mister: ‘Napikon lang naman ako'
Danica Sotto, nagsalita tungkol sa cheating allegations sa mister: ‘Napikon lang naman ako'
Source: Instagram

Sa kasagsagan ng mga alegasyon, nag-post si Danica ng isang quote tungkol sa pagtataksil at katapatan sa kanyang Instagram Stories. Iniugnay ito sa mga tsismis na naglalaro si Marc, ngunit nilinaw ni Danica na ang post na iyon ay para sa ibang tao.

Dagdag pa niya, patuloy pa rin nilang hinaharap ang malaking hamon sa negosyo.

Matapos ang post, nag-usap si Danica at Marc at napagkasunduan na hindi na mag-post ng mga quotes na maaaring ma-misinterpret.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

“Ang napikon lang naman ako din dun is parang nakakatawa kasi they really—ang galing magtahi-tahi ng tao ng kuwento...” sabi ni Danica.

Sinabi ni Danica na hindi siya naapektuhan ng isyu dahil sanay na siya sa mga tsismis, lumaki kasi siya sa showbiz industry.

Gayunpaman, umamin si Danica na siya ay nainis nang ang kanilang mga anak na ang tinitira ng mga netizens.

Read also

Luis Manzano, aliw na aliw sa interview niya sa content creators na sina Alvin at Rochelle

Muling sinabi ni Danica na nag-usap sila ni Marc tungkol sa isyu at “just moved on from it.”

“But anyway, this is the first time din na kinlarify ko about a certain post that grabe, napakababaw nga. It's just an IG Story quote na minis-interpret ng mga tao,” sabi niya.

Noong Marso, kumalat ang tsismis na may relasyon sina Marc at aktres na si Kim Rodriguez, matapos mag-viral ang mga litrato nila kasama ang staff sa isang fries stand at sa Sydney Opera House.

Itinanggi ni Marc ang mga tsismis sa isang pahayag sa social media sa parehong buwan.

Sinabi ni Marc na maayos ang lahat sa pagitan nila ni Danica.

Pati si Kim ay itinanggi ang mga alegasyon.

Si Danica Sotto-Pingris ay panganay na anak ng dating mag-asawang sina Vic Sotto at Dina Bonnevie. Ikinasal siya sa basketbolistang si Marc Pingris noong March 3, 2007. Kamakailan nga ay humingi ng dispensa si Marc sa mga pagkukulang niya sa asawa niya.

Read also

Babae na kausap ni Philmar Alipayo sa viral video, nakiusap na huwag silang gawan ng isyu

Kinaaliwan din ang pag-post ni Danica ng video kung saan napagtripan niya ang kanyang mister. Lingid sa kaalaman ng kanyang asawa ay ginamitan niya ito ng sad filter habang kumukuha ng video.

Matatandaang binahagi ni Danica ang tungkol sa magandang blessing na natanggap ng kanilang pamilya. Sa isang Instagram post ay pinakita niya ang maiksing video na nagpapakita ng sonogram ng kanyang pinagbubuntis na kanilang baby no. 3.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel