Lie Reposposa, nagbahagi ng mensahe: "Never get tired of being a good person"

Lie Reposposa, nagbahagi ng mensahe: "Never get tired of being a good person"

- Nagbahagi ng paalala si Lie Reposposa na huwag magsawa sa pagiging mabuting tao na may mabuting puso

- Aniya ito ay kahit dumating man ang pagkakataon na masamantala ang kabutihan o napapaisip na mas mabuti nang huwag nang maging mabuti

- Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng mga taong may mabubuting puso na aniya ay mahalaga sa mundong ito

- Ang post ni Reposposa agad kumalat, nagbibigay-inspirasyon at pag-asa sa social media

Sa isang nakakaantig na post, ibinahagi ni Lie Reposposa ang isang paalala na nagbibigay-inspirasyon sa marami. "Before you go to bed tonight, I just want to remind you to never get tired of being a good person with a good heart," anang young influencer.

Lie Reposposa, nagbahagi ng mensahe: "Never get tired of being a good person"
Lie Reposposa, nagbahagi ng mensahe: "Never get tired of being a good person"
Source: Instagram

Sa kanyang post, binigyang-diin ni Reposposa ang pagiging mabuti at may mabuting puso sa kabila ng mga hamon na dulot ng buhay. "I know, it s*cks being taken advantage of and feeling like it's better to be cold hearted," dagdag pa niya.

Read also

Ogie Diaz, saludo kay Gigi De Lana na tinuloy ang mga shows sa kabila ng pagpanaw ng ina

Ngunit, sa kabila ng mga pagsubok, ipinapaalala ni Reposposa na ang mga taong may mabubuting puso ay mahalaga at may malaking kontribusyon sa mundong ito.

Ang naturang post ni Lie Reposposa ay agad na nag-viral sa social media, nagbibigay ng inspirasyon at positibong pag-asa sa mga mambabasa. Ito'y isang paalala na kahit gaano kahirap ang mundo, ang kabutihan at pagmamahal ay patuloy na nagbibigay-liwanag at pag-asa sa bawat isa.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Before you go to bed tonight, I just want to remind you to never get tired of being a good person with a good heart. I know, it s*cks being taken advantage of and feeling like it's better to be cold hearted, but people like you matter and are so important for this world.

Unang nakilala si Lie bilang si Angelie “Lie” Reposposa nang sumali siya bilang isa sa mga daily contender ng 'Tawag ng Tanghalan' sa It's Showtime. Hindi man pinalad na manalo, ito ang naging daan upang mapasali siya sa Pinoy Big Brother kung saan napabilang siya sa mga finalist matapos niyang hiranging isa sa nanalo sa kanilang batch.

Read also

Diwata, umalma Facebook page na gumagamit ng pangalan niya

Matatandaang nag-viral ang paglabas ni Lie ang kanyang sama ng loob matapos niyang matuklasan ang umano'y pangba-backstab ng kanyang teacher. Aniya, dahil nais niyang mapagsabay ang pagtatrabaho at ang pag-aaral, sinubukan niya ang Alternative Learning System o ALS. Kasabay ng kanyang mensahe kaugnay sa kanyang saloobin sa nasabing teacher, ibinahagi niya ang screenshot ng mensahe ng teacher kung saan makikitang kausap nito ang ilan ding nag-aaral sa ALS. Nasabi pa nito na si Lie umano ay feeling artista na talaga namang inalmahan ng mga tagahanga ni Lie.

Game na game si Melai Cantiveros sa 'Bisaya Challenge' sa kanya ni Kim Chiu. Part 2 na ito dahil ang unang nakasama ni Kim sa kanyang bisaya challenge ay sina Maymay Entrata at Lie. Marami raw ang naghanap kay Melai sa part 1 kaya naman siniguro ni Kim na makakasama na niya ito sa part 2. Lalo pang naaliw ang mga nakapanood dahil sa makulit na tawa ni Kim na tuwang-tuwa kay Melai.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel