Melai Cantiveros, ibinida ang nakakaaliw na picture ni Stela

Melai Cantiveros, ibinida ang nakakaaliw na picture ni Stela

- Nag-post si Melai Cantiveros ng picture ng anak niyang si Stela Francisco habang sila ay nasa South Korea

- Makikita si Stela na todo-emote habang nagpapa-picture at tila hawak ng gorilla

- Biro ni Melai, kinuha ng Korean na KingKong si Stela pero tila magkahawig daw sila

- Hirit pa ni Melai, hindi niya alam kung kanino daw siya matatakot, sa Kingkong daw ba o kay Stela

Ibinida ni Melai Cantiveros ang nakakaaliw na larawan ng kanyang anak na si Stela Francisco habang sila ay nasa South Korea. Sa post ni Melai, makikita si Stela na todo-emote habang nagpapa-picture na tila hawak ng isang gorilla.

Melai Cantiveros, ibinida ang nakakaaliw na picture ni Stela
Melai Cantiveros, ibinida ang nakakaaliw na picture ni Stela
Source: Instagram

Biro ni Melai, kinuha daw ng Korean na King Kong si Stela, ngunit napansin niya na tila magkahawig sila. "Guys ang baby Steya nmin kinuha ng Korean na KingKong hahahahhaha Pero parang hawigin sila ng Kingkong guys ," ani ni Melai sa kanyang caption.

Read also

Paolo Ballesteros, kinabiliban sa dedikasyon niya sa paghahanda para sa prom ng anak

Dagdag pa niya, "Hindi ko nga alam guys kung saan ako matatakot sa Kingkong ba o kay Stela." Ang nakakatuwang post na ito ay mabilis na nag-viral at umani ng maraming komento at reaksyon mula sa mga netizens na natuwa sa humor ni Melai at sa cute na reaksyon ni Stela.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Melai Cantiveros ay kilala sa kanyang pagiging komedyante at pagiging hands-on mom, na palaging may nakakatuwang kwento tungkol sa kanyang pamilya. Ang kanilang bakasyon sa South Korea ay isa lamang sa maraming masasayang alaala na ibinabahagi ni Melai sa kanyang mga tagahanga.

Isang mensahe ang binahagi kamakailan ni Melai kaugnay sa pagpanaw ng kanyang tiyuhin. Ang kanyang Uncle Joy umano ang pinakapaborito niyang uncle at habambuhay niyang alalahanin ang kabutihan ng kanyang tiyuhin sa kanya. Aniya, masakit para sa kanya ang pagpanaw ng tiyuhin. Alam niyang hindi magiging madali sa kanya lalo at lagi umano siyang pumupunta sa bahay ng tiyuhin niya tuwing uuwi siya sa kanilang probinsiya.

Samantala, ang mensahe ni Melai para sa kaarawan ng mister na si Jason Francisco ay kanyang binahagi sa kanyang social media account. Marami sa mga followers ng mag-asawa ang natuwa sa mensahe niya kung saan pabiro niyang inilarawan ang mister bilang kanyang "Best Enemy." Agad naman niya itong binawi at sinabing isang mabuting ama si Jason sa kanilang mga anak. Aniya, palagi lang silang mag-iinang nasa tabi ni Jason anuman ang mangyari.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel