Ina Raymundo, ibinida ang picture niya kasama ang mga anak na babae

Ina Raymundo, ibinida ang picture niya kasama ang mga anak na babae

- Ibinahagi ni Ina Raymundo ang picture niya kasama ang tatlong anak na babae

- Sa kanyang post ay kasama niya ang mga anak na sina Mikaela, Anika, and Minka

- Bukod sa tatlong ito, mayroon pang dalawang anak si Ina na sina Jakob at Erika

- Sa naturang post ay inihayag ni Ina ang saloobin kaugnay sa kanyang pagiging ina

Ibinahagi ni Ina Raymundo ang isang larawan kasama ang tatlong anak na babae sa kanyang pinakabagong post sa social media. Kasama niya sa nasabing larawan ang mga anak na sina Mikaela, Anika, at Minka, na agad na umani ng positibong reaksyon mula sa mga netizens.

Ina Raymundo, ibinida ang picture niya kasama ang mga anak na babae
Ina Raymundo, ibinida ang picture niya kasama ang mga anak na babae
Source: Instagram

Marami ang namangha hindi lang dahil malalaki na ang anak ni Ina kundi mukha lang daw silang magkakapatid.

Bukod sa tatlong ito, mayroon pang dalawang anak si Ina na sina Jakob at Erika, na madalas din niyang ibahagi sa kanyang mga post.

Read also

Mika Dela Cruz, ikinasal na sa boyfriend na si Nash Aguas

Sa caption ng kanyang post, inihayag ni Ina ang kanyang saloobin bilang isang ina. "Blessed to be their Mama," ani Ina.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ang larawan ay nagpapakita ng matibay na relasyon at pagmamahalan sa kanilang pamilya, na nagdudulot ng inspirasyon sa maraming mga tagahanga. Sa kabila ng kanyang abalang schedule bilang isang aktres, binibigyang-halaga pa rin ni Ina ang oras kasama ang kanyang mga anak.

Si Rina Marie Padilla Raymundo, o mas kilala sa kanyang screen name na Ina Raymundo. Siya ay isang Pinay actress na nakilala sa kanyang pagganap sa mga pelikula at serye. Bukod sa pagiging aktres, isa din siyang commercial model at singer. Sumikat din siya sa TV ad ng San Miguel Beer noong 1995.

Matapos maging isap-usapan ang tungkol sa napapabalitang relasyon ni Kobe Paras at Erika, ayon kay Benjie Paras ay mas maiging hindi siya magkokomento kaugnay sa love life ng anak. Aniya, hindi siya nakikialam sa personal na buhay ng anak dahil alam niyang nasa tamang edad na umano ito. Aniya, tiwala siyang alam na ng anak na gumawa ng tamang desisyon para sa kanyang sarili.

Read also

Ivana Alawi, Php 2 million ang mother's day gift sa kanyang Mama

Kamakailan ay nag-post si Kobe Paras ng pictures nila ng rumored girlfriend niyang si Erika. Sa kanyang Instagram Stories ay makikita ang ilang sweet na pictures nilang magkasama. Kasunod ito ng paglabas ng bali-balitang nagkakalabuan na sila dahil sa pag-unfollow nila sa isa't-isa. Gayunpaman, kinalaunan ay naka-follow na silang muli sa isa't-isa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel