Mika Dela Cruz, ikinasal na sa boyfriend na si Nash Aguas: #NASHakanyanasiMIKA

Mika Dela Cruz, ikinasal na sa boyfriend na si Nash Aguas: #NASHakanyanasiMIKA

- Ibinahagi ni Mika Dela Cruz ang picture kung saan makikita siyang nakasuot ng wedding gown

- Ito pa lamang ang binahagi niyang picture kung saan isinaad niya na naglalakad siya papunta sa kanyang God-sent, minamahal at ang kanyang forever

- Nakalagay din sa post niya ang hashtag na #NASHakanyanasiMIKA

- Inulan ng pagbati sina Nah at Mika na matagal nang naisapubliko ang tungkol sa kanilang relasyon

Ikinasal na ang aktres na si Mika Dela Cruz sa kanyang longtime boyfriend na si Nash Aguas. Ibinahagi ni Mika ang isang larawan sa kanyang social media account kung saan makikita siyang nakasuot ng eleganteng wedding gown.

Mika Dela Cruz, ikinasal na sa boyfriend na si Nash Aguas
Mika Dela Cruz, ikinasal na sa boyfriend na si Nash Aguas
Source: Instagram

Sa caption ng nasabing larawan, sinabi ni Mika na naglalakad siya papunta sa kanyang "God-sent, minamahal, at ang kanyang forever," na nagpahayag ng kanyang malalim na pagmamahal at pagpapahalaga kay Nash.

Kalakip ng post ni Mika ang hashtag na #NASHakanyanasiMIKA, na nagpakita ng kanilang pagsasama at pag-iibigan. Agad namang inulan ng pagbati ang magkasintahan mula sa kanilang mga kaibigan, kapwa artista, at tagahanga na matagal nang sumusubaybay sa kanilang relasyon.

Read also

Lassy, nagdadalamhati sa pagpanaw ng kanyang ama: "Ang sakit sakit"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Matatandaang matagal nang naisapubliko nina Mika at Nash ang kanilang relasyon, na nagsimula bilang magkaibigan at nauwi sa isang matibay na pagmamahalan.

Naging bahagi ng showbiz si Nash sa kanyang edad na limang taong gulang sa noontime variety show MTB, matapos niya sumali sa paligsahan sa Batang F4 ng programa. Noong 2004, sumali siya sa talent search ng ABS-CBN na Star Circle Quest, kung saan nanalo siya ng titulong "Grand Kid Questor". Kilala siya bilang mainstay sa Sunday comedy gag show na Goin 'Bulilit.

Matatandaang ibinahagi nina Nash at Mika ang kanilang reaksiyon habang pinapanood ang mga lumang videos nila. Ang mga videos na ito ay kuha noong maliliit pa sila at magkasama sa show na 'Goin' Bulilit.' Hindi napigilang matawa ng mga ito nang muling makita ang kanilang kakulitan bilang mga bulilit. Marami naman ang kinilig dahil kahit noong bata pa lang sila ay makikita na ang kanilang pagiging malapit sa isa't-isa.

Read also

Yasmien Kurdi sa mister: "I’m forever grateful to have you as mine"

Samantala, pinabulaanan ng ina ni Mika ang bali-balitang nagdadalantao umano si Mika. Kasunod ito ng paglabas ng picture nina Mika at Nash kamakailan na kuha sa kasal ng kapatid ni Mika. Ayon sa ina ni Mika walang katotohanan iyon at matagal na itong pang-iintrigang ito sa kanyang anak. Aniya, kung totoo ito ay dapat nanganak na si Mika dahil sa hindi pa rin natitigil na isyung ito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel