Lassy, nagdadalamhati sa pagpanaw ng kanyang ama: "Ang sakit sakit"

Lassy, nagdadalamhati sa pagpanaw ng kanyang ama: "Ang sakit sakit"

- Inihayag ni Lassy Marquez ang labis na pagdadalamhati niya at ng kanyang pamilya sa pagpanaw ng kanyang ama

- Sa kanyang post ay pinakita niya ang picture ng kanyang pagyakap sa ama kalakip ng mensahe na nagpapahayag ng kanyang pagmamahal at pasasalamat sa kanyang dada

- Aniya, tatandaan niya ang huling habilin ng kanyang ama bago ito pumanaw at siya na raw ang bahala sa kanilang pamilya lalo na sa kanyang mama

- Matatandaang humiling si Lassy ng panalangin mula sa mga netizens para sa kanyang dada

Emosyonal si Lassy Marquez sa kanyang post kung saan nagpaalam siya sa kanyang yumaong ama. Sa kanyang mensahe ay nangako itong siya na ang bahala sa kanilang pamilya lalo na sa kanyang mama.

Lassy
Lassy, nagdadalamhati sa pagpanaw ng kanyang ama: "Ang sakit sakit"
Source: Facebook

Noong Miyerkules, Mayo 15, humiling si Lassy ng panalangin para sa paggaling ng kanyang ama, bagama’t hindi agad isiniwalat ng komedyante ang kundisyon na dinaranas nito.

Read also

Yasmien Kurdi sa mister: "I’m forever grateful to have you as mine"

Sa isang sumunod na post sa kanyang Facebook page noong Huwebes, Mayo 16, ipinakita ni Lassy ang sarili habang niyayakap ang kanyang ama sa huling sandali nito.

“Paalam, Dada ko, mahal na mahal kita at mahal na mahal ka namin, alam mo yan. Maraming salamat sa memories at pagmamahal mo,

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

“Hinding-hindi kita malilimutan kahit kailan. Tatandaan ko ang mga huling habilin mo bago ka pumanaw, at ako na rin ang bahala sa pamilya natin lalo na kay mama,” dagdag pa ni Lassy. “Kaya wag kang mag alala, at gabayan mo lang kami lagi. Hanggang sa muli, Dada ko.”

Sa ngayon, wala pang karagdagang detalye tungkol sa pagkamatay ng kanyang ama.

Si Lassy Marquez ay isang Filipino komedyante at aktor. Sikat siya sa kanyang mga palabas sa komedya at pagiging bahagi ng iba't ibang mga programa sa telebisyon at pelikula sa Pilipinas. Nagsimula si Lassy bilang isang stand-up comedian sa mga comedy bars bago siya sumikat sa mainstream media. Ang kanyang husay sa pagpapatawa at natural na karisma ay nagbigay-daan upang maging regular siya sa mga palabas sa telebisyon at mga pelikula.

Read also

Kris Aquino, nabahala sa findings ng cardiologist: "There’s a problem with my heart, - genetics"

Matatandaang kabilang sina Vice Ganda, MC at Lassy sa mga sumabak sa challenge ni Ion Perez na pinakita niya sa kanyang vlog. Ang challenge ay tinawag niyang Panginig Challenge kung saan gumamit siya ng massager. Habang nakakabit ang massager sa braso ay kailangan masalin nila ang laman ng tubig mula sa isang baso papunta sa bote ng mineral water. Ang makakapagsalin ng pinakamaraming tubig sa bote ang siyang mananalo.

Bago pumanaw ang ama, ang host ng “It’s Showtime” na si Lassy ay nagkaroon ng isang post tungkol sa kanyang minamahal na ama. Hiniling ng komedyante sa kanyang mga tagasubaybay sa social media na isama ang kanyang ama sa kanilang mga panalangin. Ayon kay Lassy, kailangan ng kanyang ama ng mga panalangin para sa paggaling ng ama. Gayunpaman, hindi ibinunyag ni Lassy ang kalagayan ng kanyang ama.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate