Francine Diaz, nagbahagi ng pasilip sa kanyang condo unit

Francine Diaz, nagbahagi ng pasilip sa kanyang condo unit

- Buong pagmamalaking ibinahagi ni Francine Diaz ang video kung saan pinasilip niya ang kanyang condo unit

- Sa kanyang pinakabagong vlog, pinakita ni Francine ang ilang bahagi ng kanyang condo ngunit meron siyang hindi pinakita para naman daw sa kanyang privacy

- Kabilang sa kanyang pinakita ay ang kusina, ang living room at ang balcony

- Kitang-kita din sa kanyang living area ang labas kaya nakikita daw nila ang lagay ng trapiko sakaling kailangan nilang umalis ng bahay

Buong pagmamalaking ibinahagi ni Francine Diaz ang isang video kung saan pinasilip niya ang kanyang condo unit. Sa kanyang pinakabagong vlog, ipinakita ni Francine ang ilang bahagi ng kanyang bagong tahanan ngunit meron din siyang hindi pinakita upang mapanatili ang kanyang privacy.

Francine Diaz, nagbahagi ng pasilip sa kanyang condo unit
Francine Diaz, nagbahagi ng pasilip sa kanyang condo unit
Source: Youtube

Kabilang sa mga bahagi ng condo na kanyang ibinahagi ay ang kanyang kusina, living room, at balcony. Ipinakita rin ni Francine ang magandang tanawin mula sa kanyang living area kung saan kitang-kita ang labas, kaya naman nakikita nila agad ang lagay ng trapiko sakaling kailangan nilang umalis ng bahay.

Read also

Mika Dela Cruz, ikinasal na sa boyfriend na si Nash Aguas

Ang kanyang condo unit ay nagpapakita ng maaliwalas at modernong disenyo, na talaga namang pinuri ng kanyang mga tagahanga. Maraming netizens ang nagpahayag ng kanilang paghanga at saya para sa bagong milestone na ito sa buhay ni Francine.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Francine Diaz ay unang sumikat sa teleseryeng Kadenang Ginto kung saan nakasama niya sina Andrea Brilliantes, Kyle Echarri at Seth Fedelin. Sila Kyle at Francine ay unang itinambal sa naturang teleserye kung saan nabuo ang tambalang kung tawagin ay "KyCine" na mula sa pinagsamang pangalan ng dalawa.

Kabilang si Francine sa mga kinilig sa K-drama star na si Kim Soo Hyun matapos niya itong makita nang personal. Pumunta siya sa Mall of Asia Arena para dumalo sa meet and greet event ng K-drama star. Nakaharap niya ito nang malapitan at nakatanggap pa ng isang poster mula sa It's Okay to Not Be Okay star. Hindi nito maitago ang kanyang kilig sa kanyang binahaging picture na kuha nang magkaharap sila.

Kamakailan ay kinaaliwan sina Luis Manzano at Francine sa isang episode ng YouTube show ni Luis na "Luis Listens." Masayang sinagot ng aktres ang mga katanungan ni Luis na mayroong seryoso at marami ring mga patawang mga tanong. Marami ang naaliw at natuwa dahil nasasabayan ni Francine ang pagiging palabiro ni Luis. Sa katunayan ay marami sa mga viewers ng vlog ni Luis ay humihiling ng kasunod pang video na magkasama sila ng dalaga.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Hot:
Online view pixel