Clem Castro ng Orange & Lemons: "Sana naman walang sumisingit"

Clem Castro ng Orange & Lemons: "Sana naman walang sumisingit"

- Bago mag-perform ang bandang Orange & Lemons sa San Jose, Occidental Mindoro, nagsalita muna ito tungkol sa aniya'y sumisingit

- Paliwanag niya 11 p.m. pa dapat sila mag-perform kaya sana daw ay walang sumisingit bilang respeto

- Ayaw niya daw masira ang pagsasaya nila sa naturang event pero kailangan daw niyang sabihin ang mensahe niya para sa ibang artists

- Humingi din siya ng dispensa sa mga naghintay sa kanila at marami daw nag-me-message sa kanila

Bago ang inaasahang pagtatanghal ng bandang Orange & Lemons sa San Jose, Occidental Mindoro, nagbigay ng mensahe si Clem Castro, isa sa mga miyembro ng banda, hinggil sa umano'y pagsisingit ng ibang mga artist sa kanilang oras ng performance.

Clem Castro ng Orange & Lemons: "Sana naman walang sumisingit"
Clem Castro ng Orange & Lemons: "Sana naman walang sumisingit"
Source: Facebook

Sa kanyang pahayag, ipinaalam ni Castro na 11 ng gabi pa raw dapat ang takdang oras ng kanilang pagtatanghal kaya't nais niyang iparating ang hiling na sana'y walang sumisingit sa kanilang oras bilang pagpapakita ng respeto sa bawat artist at sa kanilang oras na inilaan para sa kanilang mga performance.

Read also

Video ni Francine Diaz at bandang Orange & Lemons sa stage, nag-viral

Binigyang-diin niya na bagamat nais niyang mapanatiling masaya ang naturang event, kailangan niyang sabihin ang mensahe niya para sa ibang artists. Hiniling din niya ang pang-unawa mula sa mga naghintay sa kanila at nagpahayag na marami na raw ang nag-me-message sa kanila.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ang Orange & Lemons ay isang banda mula sa Pilipinas na kinabibilangan ng mga miyembro na sina Clem Castro, Mcoy Fundales, at JM del Mundo. Kilala ang kanilang musika sa paghahalo ng indie pop, alternative rock, at retro influences. Isa sa kanilang pinakakilalang kanta ay ang "Hanggang Kailan" na naging isang hit sa lokal na music scene noong dekada 2000.

Kamakailan ay mayroon ding naganap sa pista sa Bayan ng Baymbang sa Pangasinan. Matatandaang naglabas ng pahayag si Bayambang Mayor Niña Jose Quiambao kaugnay sa pananakit kay Taylor Sheesh nang mag-perform ito sa Bayambang. Sa kanyang post, inihayag niya ang pagkondina niya sa pangyayari na inilarawan niya bilang 'homophobic'.

Read also

Yasmien Kurdi, nagluwal ng pangalawang anak sa pamamagitan ng caesarean section

Samantala, nagkaroon ng pagkakataon si Ogie Diaz na makausap si Mayor Niña Jose-Quiambao. Ito ay kaugnay sa kontrobersyal na 'palit mic' video nito na binatikos ng ilan. May mga nagsasabing sana ay hindi na lamang binanggit ng alkalde ang dahilan bakit nais niyang magpalit ng mikropono. Paliwanag naman ni Mayor Niña, nagpakatotoo lamang umano siya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate