Bayambang Mayor Niña Jose. kinondena ang pananakit kay Taylor Sheesh

Bayambang Mayor Niña Jose. kinondena ang pananakit kay Taylor Sheesh

- Naglabas ng pahayag si Bayambang Mayor Niña Jose Quiambao kaugnay sa pananakit kay Taylor Sheesh nang mag-perform ito sa Bayambang

- Sa kanyang post, inihayag niya ang pagkondina niya sa pangyayari na inilarawan niya bilang 'homophobic'

- Sisiguraduhin daw niyang mapanagot ang taong gumawa nito at maging siya ay galit sa taong gumawa nito

- Sa kanyang live video ay sinabi ni Mayor Niña na nasa kulungan na ang suspek at sasampahan ng kaso

Agad kinondina ni Mayor Niña Jose Quiambao ng Bayambang, Pangasinan ang pananakit na naganap sa pagtatanghal ng performer na si Taylor Sheesh. Sa kanyang pahayag, iginiit ni Mayor Niña na hindi niya papayagan ang homophobia at pisikal na pang-aabuso sa kanyang bayan.

Bayambang Mayor Niña Jose. kinondena ang pananakit kay Taylor Sheesh
Bayambang Mayor Niña Jose. kinondena ang pananakit kay Taylor Sheesh
Source: Instagram

Matapos ang insidente, pinangako ni Mayor Niña na bibigyan ng kaukulang parusa ang taong sangkot sa pangyayari. Binigyang-diin niya na ang Bayambang ay isang mapayapang at ligtas na bayan, at hindi niya papayagan ang ganitong uri ng marahas na gawaing hindi naaayon sa kanilang mga alituntunin at pananaw.

Read also

Dianne Medina, ibinahagi ang reaksiyon ni Joaquin sa pinamiling gamit para sa kapatid

I will not tolerate homophobia and physical abuse in my town. I will make sure that JUSTICE will be dealt with. I am sorry to Taylor Sheesh that someone assaulted her during her performance! Don’t worry. Authorities have the person in question and this matter and incident will be dealt with accordingly. BYB is a peaceful and safe town and I CaNNot CONDONE this stupidious act! I am so mad and so angry!!!! SHAME on YOU!!!!

Sa kanyang live video ay sinabi ni Mayor Niña na nasa kulungan na ang suspek at sasampahan ng kaso.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Niña Jose o Mary Claire Niña José-Quiambao sa totoong buhay ay nakilala sa mundo ng showbiz matapos siyang maging bahagi ng Pinoy Big Brother: Teen Edition 1 noong taong 2006. Taong 2017 nang ikasal siya kay Cezar Quiambao na isang politiko at businessman mula Bayambang, Pangasinan.

Read also

Miss Grace, sinagot ang komentong 'manahimik ka na lang po'

Para sa tanong ng kanyang mister kung magpapakasal pa siyang muli sakaling mauna siyang pumanaw, diretsahan ang naging sagot ni Niña Jose. Aniya, hindi na siya magpapakasal muli sakaling mangyari ang ganoong bagay. Nagkasubukan ang mag-asawa sa husay sa pagsagot sa mga katanungan nila sa isa't-isa sa kanilang Lie Detector Challenge. Ito ay kanilang ibinahagi sa pagdiriwang ng kanilang wedding anniverary upang maipakita sa publiko at mas makilala pa silang mag-asawa.

Hindi ipinagkaila ni Mayor Cezar Quiambao na si Niña ang kanyang greatest love. Inamin niya ito matapos itanong sa kanya ng misis ang tungkol dito sa kanilang ginawang Lie Detector Challenge. Aminado din itong na love at first sight siya sa misis na una munang naging kaibigan bago niya naging karelasyon. Naiintriga at nahuhusgahan man dahil sa kanilang 33 taong agwat ng kanilang edad, laging ibinabahagi ni Niña kung gaano niya kamahal ang kanyang mister.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Tags:
Online view pixel