Ogie D, nakausap si Mayor Niña ukol sa viral video: "Nakulob lang daw"

Ogie D, nakausap si Mayor Niña ukol sa viral video: "Nakulob lang daw"

- Nagkaroon ng pagkakataon si Ogie Diaz na makausap si Mayor Niña Jose-Quiambao ng Bayambang Pangasinan

- Ito ay kaugnay sa kontrobersyal na 'palit mic' video nito na binatikos ng ilan

- May mga nagsasabing sana ay hindi na lamang binanggit ng alkalde ang dahilan bakit nais niyang magpalit ng mikropono

- Paliwanag naman ni Mayor Niña, nagpakatotoo lamang umano siya

Nakausap umano ni Ogie Diaz ang kontrobersyal ngayon na alkalde ng Bayambang Pangasinan na si Mayor Niña Jose-Quiambao.

Ogie D, nakausap si Mayor Niña ukol sa viral video: "Nakulob lang daw"
Niña Jose (Mayor Niña Jose-Quiambao)
Source: Facebook

Ito ay matapos mag-viral ang video kuha sa kanya sa isang pagtitipon kung saan hayagan niyang pinapalitan ang mikropono.

Umani ito ng kabi-kabilang komento at ang ilan ay binatikos ang kanyang nagawa at nasabi.

Ayon umano sa ilang netizens, hindi na sana sinabi pa ni Mayor Niña ang dahilan kung bakit nais niyang papalitan ang gagamiting mikropono at baka may ma-offend itong tao na gumamit nito.

Read also

Alex Gonzaga, binahagi ang video ng pagkikita nila ni Mikee matapos mawalay nang 9 na araw

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Habang ang ilan ay dinipensahan lamang ang alkalde at nararapat lang umanong malaman ng publiko bakit nais niyang papalitan ang mikropono.

Nahingan ni Ogie ng pahayag ang alkalde kaugnay ng hindi nito inaasahang isyu.

"Nakausap ko siya sa phone. Oo nga e, sobrang bina-bash ako ng ilang netizens. E nagpakatotoo lang naman ako. E in-ask ko yung staff ko na palitan yung mic kasi yung mga mic na yun, parang nakulob. Wala naman daw ibang gumamit. Nakulob lang daw kaya medyo nag-iba yung amoy, umasim."
"Actually marami raw ang humihingi ng kanyang panig pero sabi ng kanyang mister na si Mayor Cesar e 'wag na lamang daw sagutin, 'wag nalang daw pahabain"

Narito ang kabuuang detalye ng chikang ito mula sa Ogie Diaz Showbiz Update YouTube:

Si Mayor Niña Jose-Quiambao ay unang nakilala sa reality show na Pinoy Big Brother. Nang makalabas sa bahay ni Kuya, nabigyan siya ng pagkakataong mag-artista kung saan napanood siya sa ilang mga teleserye ng ABS-CBN. Hanggang siya ay ikinasal sa negosyante at dating Bayambang Mayor Cezar Quiambao.

Read also

Ivana Alawi, ipinasilip ang bawat sulok ng bago niyang tirahan

Gumawa ng ingay ang kanyang pangalan kamakailan dahil sa naging reaksyon niya sa mic na kanyang gagamitin sa isang pagtitipon sa kanilang lugar. Hayagan niyang nasabi na nais niya itong papalitan dahil hindi niya umano kinaya ang 'baho' at maasim daw umano ito.

Samantala, matatandaang minsan nang sumalang sa lie detector test si Mayor Niña at ang kanyang mister. Ito ay kanilang ibinahagi sa pagdiriwang ng kanilang wedding anniverary upang maipakita sa publiko at mas makilala pa silang mag-asawa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel