Ivana Alawi, ipinasilip ang bawat sulok ng bago niyang tirahan

Ivana Alawi, ipinasilip ang bawat sulok ng bago niyang tirahan

- Ibinahagi ni Ivana sa kanyang bagong vlog ang loob ng kanyang bagong tirahan

- Halos bawat sulok nito ay kanyang ipinakita mula kusina, sala, kwarto at maging banyo ay kanyang ipinakita

- Kapansin-pansin ang lawak nito at ang dami ng taong maaring pumunta roon

- Ipinakita rin ni Ivana ang kanyang closet na hindi naging sapat umano sa dami ng kanyang mga personal na gamit

Sa pinakabagong vlog ni Ivana Alawi na ipinalabas ngayong Marso 24, ipinakita ni Ivana ang bago niyang tirahan

Ivana Alawi, ipinasilip ang bawat sulok ng bago niyang tirahan
Ivana Alawi YouTube channel
Source: Youtube

Pagpasok pa lang sa kanyang living room, kapansin-pansin na umano ang laki nito.

Aniya, doon sila madalas mag-stay ng kanyang pamilya at doon na rin sila kumakain kahit nakaupo pa sila sa sahig.

Pagdating naman sa dining area, isang malawak na mesa ang makikita at siniguro niyang marami ang makakasalo nila roon kaya naman 10-seater umano ito.

Read also

Cristy Fermin, napuri si Julia Barretto: "Prim and proper"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Maging sa kanyang kitchen, agaw-pansin ang kalinisan nito at pagka-organisa ng kanilang stock na pagkain at iba pa.

Ibinida rin ni Ivana ang mga awards at maging ang mga YouTube play button na kanyang natanggap. Gayundin ang bigay sa kanya ng isa umanong fan na labis niyang pinahalagahan.

Pagdating sa kanyang closet, makikita kung gaano siya ka-organize. Mula sa damit, bags, shoes at iba pang personal na gamit, talagang nakaayos ito. Ayon pa kay Ivana, hindi na ito ang lahat ng kanyang gamit gayung hindi kasya ang lahat sa silid na iyon.

Narito ang kabuuan ng video mula sa YouTube channel ni Ivana:

Si Ivana Alawi ay unang nakilala nang sumali siya sa reality show na "StarStruck" sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit 17.5 million ang kanyang mga YouTube subscribers.

Read also

Shaira, nakiusap na tigilan ang pangba-bash kay Lenka: "Ginagawa lamang nila kung ano yung tama"

Marami ang naaaliw sa mga vlogs ni Ivana sa kanyang channel dahil sa kulitan nila ng kanyang pamilya. Makikita rin kasi dito ang kabutihan ng puso ni Ivana na hindi lang siya sa kanyang pamilya matulungin kundi lalo na sa mga kababayan nating kapos-palad.

Kamakailan, nabanggit ni Ivana na mayroon umano siya ngayong dini-date. "My Heart is happy," ayon pa kay Ivana. Gayunpaman, nais ni Ivana na panatilihin ang pagiging pribado ng kanyang love life.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Tags:
Hot:
Online view pixel