Angeline Quinto, buntis na sa 2nd baby nila ni Nonrev Daquina ayon kay Ogie Diaz

Angeline Quinto, buntis na sa 2nd baby nila ni Nonrev Daquina ayon kay Ogie Diaz

- Buntis na umano si Angeline Quinto sa pangalawang anak nila ni Nonrev Daquina

- Sa vlog na "Showbiz Update" ni Ogie Diaz ay binanggit niya ang tungkol dito

- Aniya, marami sa mga fans ni Angeline ang naghihintay na ibahagi nito ang tungkol sa kanyang pagbubuntis

- Ang mag-asawang Angeline at Nonrev ay may isang panganay na ang pangalan ay Sylvio

Ibinalita ni Ogie Diaz sa vlog na "Showbiz Update" na buntis si Angeline Quinto sa kanilang ikalawang anak ni Nonrev Daquina.

Angeline Quinto, buntis na sa 2nd baby nila ni Nonrev Daquina ayon kay Ogie Diaz
Angeline Quinto, buntis na sa 2nd baby nila ni Nonrev Daquina ayon kay Ogie Diaz
Source: Instagram

Ayon kay Ogie, dumalo sila ni Mama Loi sa kasal nina Angge at Nonrev sa Quiapo Church noong Abril 25, kung saan matagumpay na idinaos ang seremonya, at sa Manila Hotel naman ang ginanap na reception.

Ani Ogie, hinihintay ng mga tagasuporta ng singer-actress ang anunsyo nito tungkol sa pagbubuntis.

Ang mag-asawang Angeline at Nonrev ay may isang panganay na ang pangalan ay Sylvio, na kinuha ang pangalang ito mula sa adoptive mother ni Angeline na si Mama Bob.

Read also

Heart Evangelista, binahagi kung paano ginagawa ang 'rich girl laugh': 'Dapat bilang

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ayon pa sa balita, may halo ng masaya at malungkot na damdamin si Angeline habang naglalakad siya sa mahabang aisle ng Quiapo Church.

Una, ang kasiyahan ng singer dahil sa nakilala niya ang taong nais niyang makasama habangbuhay. Ngunit kasabay nito, ang lungkot sa puso dahil wala na si Mama Bob upang saksihan ang espesyal na okasyon, na pangarap niya simula pa noong una, ang makapagsimula ng pamilya at magkaroon ng sariling mga anak.

Ang kasal nina Angge at Nonrev ay dinaluhan ng mga kilalang personalidad sa industriya, pati na ang mga bosses ng ABS-CBN na nagpapakita ng suporta at pagmamahal sa kanila.

Si Angeline Quinto ay kilalang mang-aawit na kinalaunan ay gumawa na rin ng pelikula at mga TV shows. Nakilala siya sa mundo ng entertainment at music scene nang sumali siya sa singing contest na Star Power: Sharon's Search For The Next Female Pop Superstar. Bukod sa husay niya sa pagkanta, pinasok din ni Angeline ang paggawa ng mge teleserye at pelikula.

Read also

Ogie, sa umano'y nauungkat na isyu nina Vice at Jessica: "feeling ko kasi wala pang closure"

Sa isang vlog ay inamin ni Angeline na siya ang unang nagsabi ng "I love you" sa kanyang boyfriend na si Nonrev Daquina. Ito ay kanyang naibahagi sa YouTube video ni Luis Manzano kung saan nakapanayam niya sina Angeline at Nonrev sa kanyang segment na Luis Listens. Ito umano ang kauna-unahang panayam na pinaunlakan nilang magkasama lalo at mahiyain umano si Nonrev. Nakwento din ng dalawa ang kanilang problemang pinagdaanan kabilang na ang pagtutol ng manager ni Angeline sa relasyon nila.

Naibahagi ni Angeline ang video ng kanyang pagprank kay dating Manila Mayor Isko Moreno nang i-guest siya nito sa kanyang online show. Nagkunwari si Angeline na masama ang kanyang pakiramdam at sinimulan niyang ipaalam sa staff ni Yorme na masama ang kanyang pakiramdam. Sa kalagitnaan ng show ay nagkunwari si Angeline na hinimatay siya habang naglalakad na ayon kay Yorme ay talagang ikinataranta niya. Agad umanong pinapatay ni Yorme ang mga cellphone nang makitang natumba si Angge para daw maprotektahan ito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel