Rosmar Tan, binahagi ang screenshot ng naging pag-uusap nila ni Diwata

Rosmar Tan, binahagi ang screenshot ng naging pag-uusap nila ni Diwata

- Sinagot ni Rosmar Tan ang ilang komento matapos ang paglabas niya ng bagong negosyo niya na Rosmar Pares Overload

- Pinakita niya rin ang naging pag-uusap nila ni Diwata nang sabihan niya ito na gusto niya din magnegosyo ng pares

- Aniya, wala namang problema sa mga nagsabing gaya-gaya siya kay Diwata dahil aniya ay totoo namang na-inspire siya kay Diwata

- Malayo naman daw ang Laguna at Tagaytay sa pwesto ni Diwata na nasa Pasay kaya hindi naman niya tinapatan si Diwata

Matapos ang paglabas ng kanyang bagong negosyo na Rosmar Pares Overload, sinagot ni Rosmar Tan ang ilang mga komento sa social media, lalo na ang mga nagsasabing gaya-gaya siya kay Diwata o si Deo Balbuena.

Rosmar Tan sa nagsabing gaya-gaya siya kay Diwata: "Wala namang problema, totoo naman"
Rosmar Tan sa nagsabing gaya-gaya siya kay Diwata: "Wala namang problema, totoo naman"
Source: TikTok

Sa isang post sa kanyang TikTok account, ipinakita ni Rosmar ang naging pag-uusap nila ni Diwata matapos sabihan niya ito na plano rin niyang magnegosyo ng pares. Ayon kay Tan, walang problema sa mga nagsasabing gaya-gaya siya kay Diwata, dahil aniya, totoo namang na-inspire siya kay Diwata.

Read also

Dating tirahan ni Diwata, pinuntahan ng isang vlogger

Binanggit din ni Rosmar na malayo naman ang Laguna at Tagaytay, kung saan matatagpuan ang kanyang mga negosyo, sa pwesto ni Diwata na nasa Pasay. Sa ganitong paraan, hindi niya tinatapatan ang mga negosyo ni Diwata, at naglalayon lamang siyang magbigay ng serbisyong de-kalidad sa kanyang mga kostumer.

Nagpahayag din si Rosmar Tan ng paggalang at pagkilala sa tagumpay ni Diwata, at sinabi na may sarili rin siyang pangarap at layunin sa negosyo, na nakabatay sa kanyang sariling karanasan at inspirasyon.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Rosmar Tan o Rosemarie Tan ay nakilala sa social media dahil sa kanyang pamamahagi ng tulong sa mga netizens lalo na ngayong panahon ng pandemya. Unti-unting lumaki ang bilang ng mga taong naka-follow sa kanyang social media accounts.

Matatandaang naging emosyonal ang vlogger na si Rosemar kaugnay sa video kung saan pinagtatawanan umano ang dati niyang itsura. Inalmahan niya ang umano'y pangbu-bully sa kanya ng ilang sikat na influencer sa TikTok. Mayroon din umanong screenshot ng conversation ng mga ito ng kanilang pangbu-bully kay Rosmar. Tila naman humingi na ito ng saklolo sa tinaguriang sumbungan ng bayan, ang "Raffy Tulfo in Action" na kanyang binanggit sa kanyang post.

Read also

Rosmar Tan, ibinida ang bagong negosyo na Rosmar Pares Overload

Sinabi ni Rosmar na hindi talaga siya nagparetoke dahil natatakot umano siya. Nagpaturok lang umano siya para masubukan yung enhancement para magkaroon siya ng ilong na kagaya sa mga artista. Sa naturang video ay ginalaw pa niya ang kanyang ilong bilang patunay na hindi umano siya nagparetoke. Dagdag pa niya, alam umano niya na isang taon lang ang bisa ng kanyang pagpapaturok at bumalik na sa dati ang kanyang ilong.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate