Dating tirahan ni Diwata, pinuntahan ng isang vlogger

Dating tirahan ni Diwata, pinuntahan ng isang vlogger

- Sa patuloy na pagsikat ni Diwata ng Diwata Pares Overload, marami ang lalong naging interesadong mas makilala siya

- Bukod sa mga food vloggers na pumupunta sa kanyang paresan marami na ring sikat na personalidad ang nagpunta sa pwesto niya

- Binalikan din ng netizens ang kanyang buhay bago niya nakamit ang tagumpay

- Isang vlogger ang bumalik sa dating tirahan ni Diwata para makita niya raw ang sitwasyon nito bago siya sumikat

Tinungo ng isang vlogger ang dating tirahan ni Diwata sa ilalim ng tulay ng Diokno Boulevard. Sa kasalukuyan ay may sariling paresan na si Diwata sa Pasay City na pinipilahan ng kustomers.

Dating tirahan ni Diwata, pinuntahan ng isang content creator
Dating tirahan ni Diwata, pinuntahan ng isang content creator
Source: Youtube

Sa video na binahagi ni YT MAH PH sa Facebook, pinasilip niya ang bahagi kung saan natutulog dati si Diwata.

Bago pa man siya sumikat, dumanas si Diwata ng mga taon ng kahirapan, nagtitiis upang makaraos habang naninirahan sa ilalim ng tulay. Gayunpaman, ang kanyang buhay ay biglang nagbago nang siya ay mapansin ng mga content creator na nagbahagi ng kanyang kuwento.

Read also

Juan Karlos Labajo, nagtamo ng injury matapos ang show sa Orani, Bataan

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Pinakita sa video ang maliit na espasyo sa ilalim kung saan siya dati natutulog sa gabi.

"Isipin ninyo bago narating ni Diwata 'yung sitwasyon niya ngayon ay dumaan muna siya sa ganitong pamumuhay sa ilalim ng tulay," komento ng isang tagamasid. "Grabe ang hirap."

Base sa mga ulat, ang negosyo ng tindahan ni Diwata ngayon ay kumikita na ng milyon-milyong piso kada buwan. Bagama't ang kanyang kasikatan sa social media ay nagdala sa kanya ng tagumpay, umaasa ang mga internet users na magagamit ni Diwata ang kanyang bagong yaman nang maayos at magplano para sa kanyang kinabukasan, batid ang katotohanan na ang kasikatan ay maaaring hindi magtagal ng magpakailanman.

Si Deo Jarito Balbuena na kilala sa online world bilang si Diwata at ang may-ari ng trending at pinipilahang Diwata Pares. Bukod sa abot kaya ang kanyang paninda ay sulit din ito at nakakabusog ayon sa kanyang mga customer.

Read also

Alex Gonzaga, nanglibre sa mga kostumer ng Diwata Pares

Matatandaang nagbahagi ng mensahe si Diwata para sa mga bashers niya na nagsasabi ng masasamang bagay tungkol sa kanya at sa kanyang negosyo. Aniya, hindi madumi ang pagkain niya at ang madumi ay ang ugali ng mga bashers niya. Tinuligsa niya ang kanilang mga saloobin at hinimok silang linilisin ang ugali ng mga ito. Binigyang-diin ni Diwata na ang kanyang layunin ay simpleng makabangon sa kahirapan.

Binahagi ni Alex Gonzaga ang pagpunta nila ni Mikee Morada sa sikat at pinipilahang Diwata Pares. Naroroon din ang may-ari nito na si Diwata at nakita ito sa video na binahagi ni Alex na tila galit. Dahil hindi pa buo at pasilip lamang ang binahagi ni Alex, may mga nakapag-isip na malamang ay na-prank ni Alex si Diwata kaya tila nakasimangot ito. Sa iba pang video na naibahagi online, nanlibre si Alex sa mga taong naroroon at nagbigay siya ng 50,000 pesos para ipangbayad sa pagkain ng mga naroroon at pumipila.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel