Alex Gonzaga, nanglibre sa mga kostumer ng Diwata Pares

Alex Gonzaga, nanglibre sa mga kostumer ng Diwata Pares

- Binahagi ni Alex Gonzaga ang kanyang pagpunta sa Diwata Pares kung saan sinubukan niyang maging vendor sa naturang kainan

- Mismong ang may-ari nito na si Diwata ang nagturo sa kanya kung paano ang proseso nila sa Diwata Pares

- Naroroon din ang asawa ni Alex na si Mikee Morada na matapos kumain ay sumubok ding magtinda at mag-serve sa mga kustomer

- Masaya namang binahagi ni Alex na magbibigay siya ng P50,000 para sa pambayad sa pagkain ng mga naroroon at nakapila para kumain

Binahagi ni Alex Gonzaga ang kanyang kakaibang karanasan bilang vendor sa kilalang kainan na Diwata Pares. Sa kanyang vlog na inilabas ibinahagi ng sikat na personalidad ang kanyang pagbisita sa nasabing lugar kung saan personal niyang sinubukan magtinda.

Alex Gonzaga, nanglibre sa mga kostumer ng Diwata Pares
Alex Gonzaga, nanglibre sa mga kostumer ng Diwata Pares
Source: Youtube

Tinuruan siya ng mismong may-ari ng kainan na si Diwata tungkol sa kanilang proseso. Sa tulong ni Diwata, nasubukan ni Alex ang pag-serve ng kanilang mga pares at iba pang produkto.

Read also

Dating tirahan ni Diwata, pinuntahan ng isang vlogger

Nakasama rin ni Alex ay ang kanyang asawang si Mikee Morada, na hindi rin nagpahuli sa pagtulong at pagsilbi sa mga kostumer ng Diwata Pares. Matapos nilang kumain, sinubukan niya ring magtinda sa Diwata Pares.

Ang isang nakakaaliw na bahagi ng kanilang pagbisita ay ang pag-anunsiyo ni Alex na magbibigay ng P50,000 para sa pambayad ng pagkain ng mga nakapila para kumain sa Diwata Pares.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa kabuuan, ang pagbisita ni Alex Gonzaga sa Diwata Pares ay hindi lamang nagbigay sa kanya ng kakaibang karanasan kundi pati na rin ang pagkakataon na magbahagi ng kasiyahan at pagmamalasakit sa pamamagitan ng simpleng pagtulong sa kapwa.

Ang TV host-actress na si Alex Gonzaga ay unang sumikat sa mundo ng showbiz bilang nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga. Isa siya sa maituturing na pinakamatagumpay na YouTuber sa bansa na mayroon nang mahigit 13.5 million na subscribers sa kasalukuyan.

Read also

Juan Karlos Labajo, nagtamo ng injury matapos ang show sa Orani, Bataan

Nagbiro si Alex tungkol sa isyung nag-resign siya sa episode ngayong araw ng Tropang Lol. Sa opening song pa lamang ng programa kung saan kumanta siya ay pabiro niyang isiningit ang "walang nag-resign." Ito ay sa gitna ng usap-usapang nag-resign umano siya lalo at wala siya noong unang araw ng back-to-back airing ng 'Tropang Lol' at 'It's Showtime.' Maging sa programa ni Cristy Fermin ay nabanggit na nag-resign si Alex sa programa kahit may isang buwang commitment pa umano itong natitira sa naturang programa.

Nabanggit ni Alex sa kanyang podcast ang tungkol sa umano'y paninigaw sa kanya ng isang artista na nakatatanda sa kanya. Aniya, may mga pagkakataon na pinagmumukha siyang masama ng ibang tao dahil sa kanyang personality. Noong nasa 20s umano siya ay na-traumatize siya dahil sa ginawa sa kanya ng artistang ito at nagkwento pa umano at pinagmukha siyang masama. Ang akala umano nito ay galing siya sa bahay at late lang siya at hindi umano niya alam na galing siya sa trabaho.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel