Joey de Leon: "Umabot lang kayo ng 15 years baka luluhod ako sa harap niyo"
- Pinabulaanan ng hosts ng 'Eat Bulaga' ang umano'y isyu na nagsasabing magsasara na sila dahil nalulugi na sila
- Ani Joey, naiinggit lang daw ang mga ito dahil hindi sila kasali sa top 5 longest running TV shows in the world
- Hamon pa niya, umabot lang daw ang mga ito kahit 15 years ay baka luluhod siya sa harap ng mga taong kanyang tinutukoy
- Tinawag naman ni Tito Sotto na sinungaling ang mga taong nagsasabi nito
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Nagsalita ang "Eat Bulaga!" hosts upang itanggi ang mga kumakalat sa social media na nagsasabing nalulugi umano at magsasara na ang nasabing programa.
Sa isang pahayag, sinabi ni Tito Sotto, "May mga sinungaling na nagkakalat na nalulugi raw tayo, at magsasara na raw tayo. Sabi ng mga sinungaling."
Maglalabas daw sila ng kopya ng kanilang income tax return.
"Maglalabas ang mga Dabarkads ng kopya ng kanilang income tax return para pabulaanan ito."
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Sagot naman ni Joey de Leon, naiinggit lang daw ang mga ito sa kanila dahil hindi sila napabilang sa top 5 longest running shows in the world.
Hamon pa niya, umabot lang ng 15 na taon ang taong kanyang pinatutungkulan at baka lumuhod pa daw siya sa harap nila.
Sa kabuuan, ang mga pahayag ng mga Dabarkads ay nagpapakita ng kanilang determinasyon na labanan ang mga negatibong ulat at itanggi ang mga ito sa pamamagitan ng paglalabas ng kanilang financial records.
Si Joey de Leon ay isang actor, comedian at TV host sa Pilipinas. Isa siya sa mga nirerespestong haligi ng industriya ng showbiz kung saan unang nakilala sa trio nilang Tito, Vic and Joey sa Eat Bulaga.
Sa panayam sa kanya ni Toni Gonzaga, nasabi ni Joey na ang pagkakaisip niya ng pangalan ng 'Eat Bulaga' ang maituturing niyang greatest legacy. Naikwento niya rin kung saan niya nakuha ang ipinangalan sa ngayo'y itinuturing na longest-running noontime show sa bansa. Naibahagi pa ni Joey ang pagsisimula ng TVJ (Tito, Vic and Joey) na ngayo'y nasa 50 taon na sa industriya ng showbiz. Sa ngayon, ika-44 taon na ng Eat Bulaga na patuloy na naghahatid saya sa pananghalian ng mga Pilipino.
Naging usap-usapan sa Twitter ang umano'y pagre-require sa mga estudyante ng Brentwood Dasmariñas na manood ng My Teacher. Nakarating na rin mismo sa programa ni Ogie Diaz ang bali-balitang ito subalit wala pa rin umanong kumpirmasyon. Mayroon din umanong permission letter mula sa paaralan ang kumakalat at makikitang January 10 ang naturang viewing ng school. Nabanggit din umano sa naturang sulat na ang ticket, pamasahe at snacks ay sagot pa rin ng estudyante.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh