My Teacher ni Toni G, inire-require na panoorin ng mga estudyante sa isang paraalan ayon kay Ogie D

My Teacher ni Toni G, inire-require na panoorin ng mga estudyante sa isang paraalan ayon kay Ogie D

- Naging usap-usapan sa Twitter ang umano'y pagre-require sa mga estudyante ng Brentwood Dasmariñas na manood ng My Teacher

- Nakarating na rin mismo sa programa ni Ogie Diaz ang bali-balitang ito subalit wala pa rin umanong kumpirmasyon

- Mayroon din umanong permission letter mula sa paaralan ang kumakalat at makikitang January 10 ang naturang viewing ng school

- Nabanggit din umano sa naturang sulat na ang ticket, pamasahe at snacks ay sagot pa rin ng estudyante

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Tinalakay sa Ogie Diaz Showbiz Update ang bali-balita sa Twitter na isang paaralang umano sa Dasmariñas ang nagre-require na panoorin ang pelikulang 'My Teacher' ni Toni Gonzaga.

My Teacher ni Toni G, inire-require na panoorin ng mga estudyante sa isang paraalan ayon kay Ogie D
Toni Gonzaga and Joey De Leon (@celestinegonzaga)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na ang naturang pelikula ay isa sa mga kalahok sa Metro Manila Film Festival. Sa kasamaang palad, hindi ito nakasama sa apat na top-grossing film ngayong taon.

Ayon sa nasagap umano ni Mama Loi, kalakip sa Twitter ang umano'y permission letter ng school sa pag-imbita sa mga bata na panoorin ang naturang pelikula.

"Nabasa ko nga 'yun sa Twitter actually at yun nga ang akusasyon. Hindi natin alam kung totoo 'yung sulat," ani Ogie.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Hindi naman natin alam, baka naman talaga namang napanood ng Brentwood ang pelikula e gusto talagang irekomenda sa mga estudyante, kaya nga lang nahahaluan ng pulitika. Malay naman natin, paborito nila si Toni Gonzaga... ng school," dagdag pa nito.

Narito ang kabuuan ng kanilang pahayag mula sa Ogie Diaz Showbiz Update:

Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at showbiz reporter. Nakilala siya sa kanyang pagganap bilang si Pekto sa comedy show na "Palibhasa Lalake". Hanggang sa naging sunod-sunod na ang kanyang mga proyekto sa pelikula man o telebisyon.

Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa kanyang YouTube channel na "Ogie Diaz Inspires" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at kilalang personalidad.

Sa parehong episode ng Showbiz Update, natalakay din nila ang tungkol sa napapabalita umanong 500 tickets na binili ni Mommy Pinty para umano sa anniversary concert ni Toni Gonzaga sa January 20.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel