Tuesday Vargas, dinitalye ang sakit ng nobyo; namangha sa pag-aalaga pa rin nito
- Matapang na ibinahagi ni Tuesday Vargas ang mga pinagdadaanan nila ngayon ng kanyang nobyong si Joseph Puducay
- Sa kabila kasi ng mga kakaibang mga karamdaman nito, nagagawa pa rin umano siya nitong alagaan
- Mas lalong namangha si Tuesday sa nobyo nang minsang siya naman ang nagkasakit subalit naalagaan pa rin siya nito
- Ipinaliwanag ni Tuesday ang tungkol sa mga karamdaman ng nobyo na maari pang malunasan sa pamamagitan ng ilang mga operasyon
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Nagpaunlak ng panayam si Tuesday Vargas sa programang Ogie Diaz Inspires na ipinalabas ngayon Enero 10.
Nalaman ng KAMI na ito ang naging pagkakataon upang mas maipaliwanag ni Tuesday sa publiko ang mga karamdaman ng nobyo na dalawang taon nang nakikipaglaban sa sakit nito.
"2020 December 28 to be exact, galing kami ng post Christmas party sa bahay nila. Nagco-complain siya ng nangangasim yung stomach niya. So akala namin gerd. Dinala na namin sa ER. Kasi grabe raw talaga. Masakit daw talaga yung tiyan niya."
"For a few months, naga-antacyd lang 'pag maasim ang tiyan. Pero hindi nare-resolve. Kasi dapat saglit lang 'yun di ba?"
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
"Nalaman namin na 'yun pala meron siyang tinatawag na nutcracker syndrome. Incidental finding lang yun. Hindi 'yun ang hinahanap pero 'yun ang nakikita."
Sa kabila ng mga matitinding pagsubok na ito ay ang pag-asa na gagaling pa rin umano si Joseph. Ito ay sa pamamagitan ng ilang operasyon na isasagawa sa kanya.
"May tatalong operasyon na po na pwedeng gawin to resolve. Magsisimula sa taas sa pinakababa... So in total, today, we have onboard na parang around 11 doctors working on the case"
"Kasi it's very rare. Only 5% of the human population experience a number of syndromes nang sabay-sabay"
Subalit ang mas kahanga-hanga kay Joseph ay hindi lang tapang nito na harapin ang sakit kundi ang pag-aalaga pa rin nito kay Tuesday.
"In the middle of the night, even if may sakit siya ha nagulat ako bumukas ang pinto, sobra kong pagod kakaubo. Namulat-mulat ako gumanon 'yung mata ko. Pumasok ulit ng kwarto. May dalang nebulizer, nebule, mga gamot sa ubo, juice tubig..."
"Look at this person, ikaw itong may sakit tapos inaalgaan mo ako," emosyonal na nasambit ni Tuesday.
Narito ang kabuuan ng natuang panayam:
Kamakailan ay naging usap-usapan ang aktres, komedyante at TV host na si Tuesday Vargas matapos nitong ibahagi ang naging karansan umano sa dalawang young stars na nang isnab umano sa kanya.
Samantala, bago ang Kapaskuhan noong 2022, naibahagi rin ni Tuesday ang sitwasyon ni Joseph na labis niyang pinalalakas ang loob.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh